Buod
Ipinapakilala ng HAVEN ang kampanya para sa Fall 2026 collection nito, pinagdurugtong ang tanawin ng Pacific Northwest sa modular na techwear.
Tampok sa mga materyales ang Kanagawa leathers, Wakayama loop-wheel fleece, coastal hand-knits at GORE-TEX hybrid outerwear.
Ilulunsad ang Drop 1 1 sa August 14, 10 a.m. PST, online at in-store.
Inilunsad ng Canadian label na HAVEN ang Fall 2026 collection nitong “Equipment for Living,” kasabay ng campaign na “Nature & Form,” na kinunan sa masusukal na tanawin ng West Vancouver at Lynn Canyon.
Mula sa ugnayan ng kalikasan sa Pacific Northwest at makabagong disenyong arkitektural, tinatalakay ng koleksiyon ang gamit sa araw-araw sa pamamagitan ng pagtitimbang sa organikong mga tekstura at teknikal na paggana. Nakasentro sa isang modular na sistema, ang bawat kasuotan ay idinisenyong madaling ipares sa mga nauna at susunod pang release ng HAVEN. Sa gayon, nabubuo ang isang wardrobe na patuloy na umuunlad, handang humarap sa pabago-bagong kapaligiran at lumampas sa nakagawiang hangganan ng mga season.
Kabilang sa mga tampok sa lineup ngayong season ang handcrafted na leather at suede outerwear mula Kanagawa, bespoke na Wool Cotton Fog Terry na nininit gamit ang vintage loop-wheel machinery sa Wakayama, at premium na wool fleece mula Nagoya. Katuwang ng mga bagong telang ito ang mga hand-knit na pirasong ginawa sa kahabaan ng Pacific Coast ng Canada, gayundin ang mga kasuotang tinina sa sulfur at idinisenyong magbago ang anyo habang tumatagal.
Pinalalawak din ng HAVEN ang teknikal nitong paghahalo ng mga materyal, sa pagsasama ng GORE-TEX at WINDSTOPPER membranes sa de-kalidad na leather at shearling. Nagbabalik din sa mga updated na silweta ang mga premium na telang gaya ng Loro Piana Storm System®, Giza Cotton Moleskin, at Superfine Wool. Mula Agosto 14, 10 a.m. PST, mabibili ang unang drop ng Fall 2026 collection ng HAVEN sa website ng brand at sa mga tindahan nito.



