Noong nakaraang weekend, muling nagtungo ang Smirnoff Ice sa Dominator Festival sa Netherlands. Sa sarili nitong entablado sa malakihang hardcore event, itinuon ng brand ang programa sa ebolusyon ng Dutch dance music scene—isang eksenang kaakibat ng orihinal na premix mula pa noong dekada 2000.
Sa loob ng dalawang araw, naging tagpuan ang Cold Classics stage ng mga hardcore dance fan na magkakapareho ang hilig. Sa line-up ng mga DJ na matagal nang nagtataguyod sa genre, nagtipon sila upang muling balikan ang mga tunog mula pa noong dekada ’90. Isa sa mga artist na tampok sa entablado ang headliner na si DJ AniMe. Mula sa gabber techno set sa Satellite stage at hardcore set sa Main Stage ng event, nagbalik si AniMe sa ugat ng genre sa kanyang pagtatanghal sa Cold Classics.
“Sa hardcore nagsimula ang lahat para sa akin,” sabi ni DJ AniMe nang ipaliwanag niya ang pagpili niya ng mga tugtugin para sa set. “Malaki na ang ipinagbago ng tunog sa paglipas ng mga taon, kaya espesyal talaga ang pagbabalik sa mga classic. Sa Netherlands, sabi nila, ‘Hardcore will never die.’ Talagang naniniwala ako roon. Magbabago ito, pero hinding-hindi mamamatay.”
Sa pagbabalik sa sarili niyang music archive, tinugtog ng DJ ang ilan sa pinakasikat niyang classic, gaya ng “Detonate,” “A-Bomb,” at “Hardcore Machine,” na buong tapang na lumihis sa nakasanayang melodic hardcore na inilalabas noon. Dagdag niya, “Bilang artist, lagi kong sinusubukang isabuhay sa musika ko ang nararamdaman ko, at napansin kong sa paglipas ng mga taon, talagang nauunawaan ng mga tao ang gusto kong iparating. Higit ito sa mga salita. Ramdam mo ito sa kalooban, saka biglang nagkakaroon ng koneksiyon.”
Habang nagkakaugnay ang mga dumalo sa ibinahagi nilang karanasan sa dancefloor, layon ng Smirnoff Ice na mas pasiglahin ang interaksiyon sa pamamagitan ng Freeze Point activation nito. Sa immersive na karanasang ito, sabay-sabay na naranasan ng crowd ang lamig mula sa kombinasyon ng hangin, ilaw, usok, at special effects. Sa ibang bahagi ng venue, nakatikim din ang mga dumalo ng mga produkto sa Smirnoff Ice bar at nasubukan ang iba pang interactive display sa buong lugar—lahat ay kaakibat ng pangkalahatang temang Cold Classics.
Sa pagbabalik-tanaw sa Smirnoff Ice stage, ibinahagi ni DJ AniMe: “Kapag sumusuporta ang mga brand sa mga artist, hindi lang sila nag-iisponsor ng event. Tinutulungan din nilang lumikha ng mga oportunidad, paglapitin ang mga tao, at patuloy na umunlad ang scene. Pinakamaganda ang mga kolaborasyon kapag may tunay na koneksiyon ang artist, audience, at brand. Sa kasong ito, natural ang naging tugma.”
Para sa higit pang detalye tungkol sa Smirnoff Ice sa Dominator Festival, tingnan ang post sa itaas o bisitahin na ang Instagram page ng brand.
PAALALA: Hindi namin hinihikayat ang iresponsable at/o pag-inom ng mga menor de edad. Uminom nang responsable at ayon sa batas.



