Bagong EP ni Ty Dolla $ign, Ginawa Para sa mga Girl
Sa anim na kantang ‘girl music vol. 1’ EP, bumabalik si Ty Dolla $ign sa paborito niyang tunog, kasama ang sari-saring henerasyon ng R&B: Leon Thomas, Brandy, at Ronald Isley.
Hindi na hinintay pa ni Ty Dolla $ign ang hatinggabi para ibagsak ang pinakabago niyang mas malaki at mas buo na studio project. Sa TYCOON na sariwa pa sa alaala, hindi niya kailangang magmadali sa paglabas nito, pero ‘yong excitement niya sa pag-release ng anim na kantang girl music vol. 1 EP ay patunay sa taas ng kalibre ng project na ito—isang body of work na ginawa niya nang espesyal, para talaga sa mga girl.
“girl music nagsimula lang bilang usapan sa isang dinner sa NYC,” sabi ni Ty sa isang press release. “‘Yong DJ sa restaurant, lahat ng tugtog tama, kaya napaisip kami tungkol sa music na totoong gusto talagang pakinggan ng mga girl.”
Kung sasabihin mong madaling pakinggan ang 17-minutong EP, parang minamaliit mo pa ang kinang nito—dito maririnig si Ty na bumabalik sa R&B roots niya. Tinawag pa nga niya ang album na “ilan sa paborito kong music na nagawa ko sa matagal na panahon.” Sleek at pulido ang production, pero hindi naman sobra; sa halip, ang tunay na pumuputok sa girl music ay kung gaano ito ka-simple pero ang lakas ng dating.
“Lahat tungkol sa project na ‘to ay organic at natural—mula sa pangalan, sa pili at pagkakasunod ng mga kanta, hanggang sa mga nakatrabaho ko. Parang kusa lang talaga siyang nabuo. Ito ‘yong natural na pagbabalik sa tunay kong tunog—balik sa pag-perform kasama ang live band; ‘yong totoong R&B vibes ko.”
Kalahati ng anim na kanta ay solo, habang ang iba naman ay collab kasama ang maingat na piniling artists mula sa iba’t ibang era ng R&B. Si Ronald Isley ng The Isley Brothers ang bumida sa opening track na “nobody has to know,” kung saan niya nire-riff ang “Baby Hold On” ng grupo, habang si Brandy naman ang sumalang sa track four na “intention.” Hindi rin pahuhuli ang sariling signee ni Ty at isa sa pinakabagong mukha ng R&B, si Leon Thomas, na nag-level up sa lead single na “miss u 2”—isang promising na buod ng magiging future ng genre.
Pero kahit gaano ito ka-fresh, ramdam na ramdam pa rin ang nostalgia—isang element ng mundo ng record na matagal nang binibigyang-diin ni Ty, simula noong nilinis niya ang Instagram feed niya tatlong linggo na ang nakalipas bilang simula ng rollout. Nagsimula ito sa serye ng captionless portraits ng iconic na mga babae, naka-Y2K-style na photo filter, na may album icon sa gitna ng frame. Makikita rito ang mukha nina Tyla at Zendaya, hanggang kina Mariah Carey at Marge Simpson. Pagkatapos ng face sheet, na mabilis nagpaulan ng tanong sa comments kung ano ang puwedeng ibig sabihin nito, sumunod ang vintage na “miss u 2” visual, na talaga namang nag-set ng tone para sa early-2000s-inspired visual world ng EP.
1. nobody has to know (with Ronald Isley)
2. 3 billion
3. bad bitch alert
4. intention (with Brandy)
5. miss u 2 (with Leon Thomas)
6. good to me
Tinapos pa niya ang statement tungkol sa EP sa mas masayang balita, na may linyang, “This is only volume one….”
I-play n’yo na ang girl music vol. 1 sa lahat ng streaming platforms, ngayon na.


















