Alberto Giacometti, Magkakaroon ng Sariling Museo
Darating sa Paris sa 2028.
Buod
- Ang Musée & École Giacometti, ang kauna-unahang museo ni Alberto Giacometti, ay magbubukas sa Paris sa huling bahagi ng 2028.
- Magiging tahanan ng museo ang mahigit 10,000 obra, na bubuo sa pinakamalaking koleksiyon ng mga gawa ng Swiss na iskultor.
Isang bagong museo na iniaalay sa buhay at pamana ni Alberto Giacometti ang binubuo ngayon sa Paris. Nakatakdang magbukas sa ikalawang kalahati ng 2028, sasakupin ng Musée & École Giacometti ang dating Gare des Invalides, ayon sa Fondation Alberto et Annette Giacometti, at doon ilalagak ang pinakamalaking koleksiyon sa mundo ng mga obra ng Swiss na iskultor.
Sa bilang na 10,000 piraso, tampok sa museo ang “libo-libong drawing, mahigit 400 iskultura, 100 painting, isang buong koleksiyon ng mga decorative object d’art, mga print, lahat ng nasa studio, lahat ng archive,” ayon sa direktor ng foundation na si Catherine Grenier sa panayam niya saThe Art Newspaper. Saklaw din ng koleksiyon ang iba’t ibang panahon at isasama rito ang mga obrang mula sa pinakaunang yugto hanggang sa pinakahuling panahon ng karera ni Giacometti, na marami sa mga ito ay hindi pa kailanman naipapakita sa publiko.
Papalawakin ng bagong institusyong ito ang presensiya ng tahimik ngunit kasalukuyang tahanan ng foundation sa ika-14 na arrondissement ng lungsod. Sa kabuuang 6,000 metro kuwadrado, ilalaan ang kalahati ng espasyo para sa mga eksibisyon, kabilang ang permanenteng mga installation ng mga gawa ni Giacometti, kasama ng mga piyesa mula sa iba’t ibang modern at contemporary na artista. Ang natitirang kalahati ay bubuuuin ng isang bookstore, restaurant, café at pang-edukasyong espasyo para sa mga art class na hindi bahagi ng degree program. Tampok din ang rekonstruksiyon ng atelier ng artista, kung saan siya nanirahan at nagtrabaho mula 1926 hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1966.
Para sa karagdagang detalye, pumunta sawebsite ng foundation.



















