Buod
Idinisenyo na ng NOT A HOTEL ang kauna-unahan nitong residential product, ang POD, na inilunsad sa ilalim ng bagong tatag na housing company na NOT A HOUSE
Maaaring pumili ang mga mamimili ng mga layout mula Studio hanggang three-bedroom, at pagkatapos ay mamili mula sa iba't ibang opsyon para sa interior, muwebles, built-in, at exterior materials
Kasama rin dito ang NOT A HOTEL smart-home system, kung saan ang mga lock, lighting, at climate control ay kontrolado na sa iisang tablet o smartphone app
Nagbukas na ang NOT A HOTEL ng mga reservation para sa POD, ang unang residential product na dinisenyo ng Japanese hospitality brand. Ang bahay na ito ay ang pambungad na release mula sa NOT A HOUSE, isang bagong group company na itinatag ng parent company na NOTA Inc. upang dalhin ang design thinking, teknolohiya, at service sensibility ng mga villa ng NOT A HOTEL sa mga pang-araw-araw na tahanan.
Ang POD ay isang standardized house, kaya buo na ang core plan nito pagdating. Ginamit ng NOT A HOTEL ang mga villa project nito bilang inspirasyon upang pagandahin ang koneksyon ng mga kwarto at pwesto ng mga muwebles, kaya plantsado na ang mga pangunahing detalye bago pa man pumili ang mamimili. Inilalarawan ito ng brand bilang isang paraan upang mapanatili ang efficiency ng isang pre-planned na bahay nang hindi isinasakripisyo ang personal na estilo na karaniwang hinahanap ng mga tao sa kanilang tahanan.
Ang mga floor plan ay nag-iiba mula Studio hanggang sa three-bedroom, na sakop ang mga namumuhay nang mag-isa, mga mag-asawa, at buong pamilya. Mula rito, mas lumalawak ang mga opsyon sa interior. Maaaring pumili ang mga mamimili mula sa iba’t ibang finishes, furniture packages, at built-in elements, kabilang ang mga wall-mounted storage at mga nakalaang workspace, upang hubugin ang layout ayon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
May minimalist at linear form ang exterior na walang labis na detalye, at idinisenyo upang bumagay maging sa siyudad o sa probinsya. May iba’t ibang cladding materials na inaalok, kaya malayang maibabagay ng mga may-ari ang facade sa kanilang personal na panlasa at sa kondisyon ng lupang tatayuan nito.
Sa teknolohiya pinakamalutang ang hotel DNA nito. Gamit ng POD ang kaparehong smart-home setup na nasa mga property ng NOT A HOTEL, kaya ang smart key, automatic lighting adjustment, at air-conditioning settings ay madaling makontrol mula sa isang tablet. Ang parehong IoT functions ay naa-access din sa pamamagitan ng isang smartphone app kapag wala sa bahay ang mga residente.
Hindi lang sa property line nagtatapos ang pagmamay-ari. Ang mga may-ari ng POD ay maaaring magdagdag ng subscription na nagbibigay ng tatlong gabing stay kada taon sa mga lokasyon ng NOT A HOTEL sa buong Japan, na may access sa bawat property sa portfolio sa pamamagitan ng pagbabayad ng karagdagang halaga. Pinamumunuan ang NOT A HOUSE ni CEO Mai Shin, ang GENDA co-founder na sumali sa board ng NOT A HOTEL bilang isang outside director noong Disyembre 2024. Sa kanyang mga pahayag sa release, inilarawan niya ang POD bilang isang pagtatangka na mag-alok ng bago at kakaibang opsyon sa isang housing market na pinaniniwalaan niyang nalulugmok sa patuloy na mga problema.
Bukas na ang mga reservation para sa POD sa pamamagitan ng website ng NOT A HOUSE.