Buod
Nasakop ng 'Ladrón de casas' ng Costa Rican artist na si Enio Arroyo Gomez ang isang billboard sa Astoria bilang bahagi ng Looking In public art initiative ng SaveArtSpace.
Pinagsasama ang parang bata na imahinasyon sa mga tema ng migrasyon, paglikas, at pagmamay-ari, tinatalakay ng likha ang ating kumplikadong ugnayan sa tahanan.
Isinulat ni Matilda Berke
Sa itaas ng isang simpleng triangular na parking lot sa Astoria, Queens, itinatampok ng pinakabagong installation sa public art initiative ng SaveArtSpace na Looking In ang Ladrón de casas (2018) ng pintor at iskultor mula Costa Rica na si Enio Arroyo Gomez: isang paglalarawan sa kakaibang pigura na may malalaking mata na habang tumatakas tangay ang isang bahay ay lumilingon sa manonood habang nakaturo sa kanyang premyo. Sa unang tingin, nagpapahiwatig ang imahe ng madaling maunawaan at nakaaaliw na bunga ng malikhaing imahinasyon. Ngunit kung susuriing mabuti, ang pustura at ekspresyon ng nilalang—pati na rin ang medyo tabinging posisyon nito sa kanyang surreal at masikip na tagpuan—ay nagpapahirap para lubusang matukoy ang kahulugan nito. Pinili ng curator at premyadong artist na si Jessica Alazraki ang obrang ito mula sa seryeng Bestiario ni Gomez, na pinaghahalo ang mga medieval bestiary (encyclopedic na koleksyon ng mga totoo at kathang-isip na hayop) sa mas malalawak na tema at pamamaraan ng sining mismo ng artist at ng kanyang pang-araw-araw na trabaho bilang guro sa sining ng mga bata.
Binubuo ni Gomez ang disenyo ng mga silid-aralan ng kanyang paaralan upang itaguyod ang malayang pag-eksperimento at palawakin ang pagkamalikhain ng kanyang mga mag-aaral, at ganito rin niya idinisenyo ang kanyang kurikulum base sa uri ng automatic drawing na gumagabay sa kanyang sariling sining. Katulad ng kanyang mapanlinlang at komplikadong Ladrón, ang kanyang sining ay hindi gaanong inosente tulad ng inaakala sa una. (Gaya ng isinulat ni Meyer Schapiro sa “On Some Problems in the Semiotics of Visual Art: Field and Vehicle in Image-Signs,” “ang pigura ay nagmumukhang kakaiba, wala sa lugar, o kahit medyo nababagabag sa espiritu… ang nagpipigil na pustura at iba pang elemento ng imahe ay nagpapatingkad sa ekspresyon ng pag-iisip nang malalim at pagiging malayo. Ang paboritismo sa posisyong wala sa gitna ay napansin na sa mga iginuhit ng mga batang may problema sa emosyon.”) Sinasadya ng mga guhit ni Gomez—na natutunan niya sa isang Chamacoco artist sa Paraguay at palaging ginagawa habang nagtuturo—na magmukhang gawa ng isang bata. Ang mga nauna niyang obra sa Bestiario ay ginawa bago pa siya makabili ng maayos na canvas. Ang magaspang at hilaw na tela na ginamit upang iguhit ang mga mitolohikal na halimaw na ito ay kahawig ng kanilang magagaspang na damit: isang desisyon sa materyal dahil sa kakulangan sa badyet at pagkakataon na nag-uugnay sa mga nakatutuwang halimaw na ito sa malupit na realidad ng ating mundo.
Katulad ng marami sa mga pinta ni Gomez, ang Ladrón de casas, na isinasalin bilang “magnanakaw/magnanakaw ng bahay” o—sa pinakaliteral na kahulugan—“magnanakaw ng mga bahay,” ay nagpapalawak sa psychoanalytic na diskarte ng artist patungo sa paglalaro bilang paraan upang mailabas ang mga pagnanasa ng subconscious: isang presentasyon ng sining bilang bintanang may dalawang pananaw, sa sarili at sa mas malawak na karanasan. Ang pabilog na hugis parihaba ng billboard na kinaroroonan ng Ladrón ay kahawig ng pang-industriyang disenyo ng bintana ng bus o subway, na nagpapahiwatig ng pamumuhay sa araw-araw na pag-commute o paggalaw sa lipunan. Ang maliliit na pininturahang halaman malapit sa paa ng nilalang ay sumasalamin sa puno na bahagyang sumasakop sa kanang bahagi ng installation, at binibigyang-diin nito ang patuloy na presensya ng kalikasan kahit na sa kanyang kakaibang urban na tanawin—pati na rin sa atin.
“Ang mga karanasang ito ng pilit na paglipat ay makikita sa tila nag-iisang ‘house thief’ at sa kanyang kakaiba at walang katiyakang kapaligiran.
Ipinapakita ng mga pagkakataong ito ang lakas ng kakayahan ng sining na mahiwagang baguhin ang personal na usapin patungo sa isang pangkalahatang mensahe sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga hindi namamalayang emosyon. Halos palaging lumilipat si Gomez mula nang lisanin niya ang tahanan noong siya’y bata pa; ang mga karanasang ito ng pilit na paglipat ay makikita sa nag-iisa at naguguluhang “magnanakaw ng bahay” at sa kanyang kakaiba at hindi tiyak na kapaligiran. Noong Enero 2020, bago ang paglaganap ng pandemyang COVID-19, nagkataong napasok ng patron at kolektor na si Viljon Caka ang isang gallery sa Buenos Aires kung saan una niyang nakita ang Ladrón, na magiging unang obra sa (at ang emosyonal na sentro ng) kanyang Pensofino Collection. Kahit na walang kaalam-alam si Caka sa mundo ng sining noong una niya itong nakita, agad siyang naka-relate sa pintang ito; bilang isang imigranteng Albanian, nakita niya ang sariling karanasan sa implicit na self-portrait ni Gomez, na ipinasa ni Caka para sa konsiderasyon ng SaveArtSpace sa ngalan ng artist. Tulad ng mga sikat na bestiary noon sa kasaysayan, na karaniwang naglalaman ng simbolikong paglalarawan sa hayop upang magturo ng moral na aral, ipinapahiwatig ng pigura ng “magnanakaw ng bahay” ang kalungkutang mawalay sa sariling lugar at ang kawalang katiyakan sa pamumuhay na palipat-lipat na dinulot ng mahihirap na sitwasyon.
Sa partikular na kontekstong ito, lalong sumasalamin ang madaling masaktang halimaw na ito sa misyon ng SaveArtSpace. Kung paanong mukhang nakakulong ang ating magnanakaw sa loob ng mga hangganan ng canvas, ang mismong malaking imahe ay nakukulong sa metal na gilid ng billboard. Gayunpaman, kahit sa loob ng mga limitasyong ito, nakakagawa pa rin siya ng mga banayad na uri ng kapangyarihan. Ang umiiral na billboard sa tabi ng SaveArtSpace (na kahawig sa laki at hugis, na pumapalibot sa isang karaniwang nilalaman ng patalastas) ay nagpapaalala sa atin na epektibong “ninanakaw” ng obrang ito ang espasyo ng mga patalastas. Ang pagpwesto sa installation na ito sa Astoria—na isang makasaysayang tagpuan para sa iba’t ibang kultura, kabilang na ang komunidad ng mga imigranteng Greek, Italian, Albanian, Egyptian, at Lebanese—ay nagpapatibay sa pagnanais ni Gomez na baguhin ang pananaw sa realidad sa pamamagitan ng personal na pagpapahayag. Sa mga pader ng underpass na sumusuporta sa Ladrón, may matatayog na pigura mula sa mitolohiyang Griyego na iginuhit ng mga estudyante mula sa Frank Sinatra School of the Arts; si Gomez ay nakapamuno na rin ng mga katulad na mural project sa nakaraan. Bagaman pinipili lamang ng SaveArtSpace ang lokasyon ng proyekto batay sa visibility, isa na namang magandang pagkakataon na nakahanap ang internasyonal na artist ng tahanan sa ganitong internasyonal na komunidad.
Sa pinta mismo (na aktwal na ini-stretch at pina-frame sa isang tindahan sa Astoria, kung saan dating nakatira si Caka mismo), ang manipis at makukulay na mga tore ng mga skyscraper na pumapalibot sa Ladrón ay nagpapahiwatig ng malikhaing pananaw ng isang lungsod na parang magkakapatong na bloke, parang pangarap na New York ng isang bata. Ang masayang paglalarawan na ito ay nagpapahiwatig ng mas malalalim na katotohanan ng urban planning: tulad ng sariling silid-aralan ni Gomez, ang mga lungsod ay sadyang idinisenyo upang hikayatin ang mga partikular na paraan ng pagtingin at pamumuhay. Sa pamamagitan ng paglaan ng partikular na espasyo para sa kultural na palitan na posibleng hindi naa-access nang ganoon kadali, hinihikayat tayo ng mga public art initiative na tingnang maigi ang pang-araw-araw na daloy ng ating pamumuhay, at hinahayaan tayong silipin nang palihim ang mga mundo sa labas at sa loob ng ating mga sarili.