Matapos ang isang outdoorsy collab kasama si Reese Cooper noong unang bahagi ng taon, nakipag-team up ang UGG kay YOON at sa kaniyang Tokyo-based label na AMBUSH para sa isang mapangahas na capsule collection na literal na nagtataas ng laro—eksklusibong ibinunyag ng Hypebeast.
Hugot sa streetwear vibe ng Tokyo, binubuo ang koleksiyon ng limang head-turning na modelo ng sapatos—lahat may platform at takong para mas paandarin pa ang tatak-YOON na flair. Kabilang dito ang UGG AMBUSH Heel na may presyong $650 USD at binalutan ng balahibo sa buong upper; samantalang ang UGG AMBUSH Woven Boot at Boot ay dinadala ang pirma ng Australian brand sa mas chunky na direksiyon gamit ang full-grain leather, marangyang sheepskin at malambot na nubuck.
“Hinango ko ang inspirasyon sa aming lungsod—Tokyo,” kuwento ni YOON. “Hindi ko malimutan ang mga bota at sapatos na lagi kong nakikita noong unang lipat ko sa Shibuya, kaya ito ang aking love letter sa lugar na iyon.”
Bidang-bida sa campaign film ang Japanese rapper-singer-songwriter na si Yuki Chiba. Suot ang kaniyang boots, nakipagkita siya sa mga kaibigan sa isang bowling alley para sa isang seryosong laban kontra sa grupong babae na naka-collab heels.
Mabibili ang UGG x AMBUSH collection online at sa piling tindahan simula Setyembre 12. Tingnan ang buong koleksiyon sa itaas.



