Sa punong tanggapan ng kompanya niya sa New York nitong Sabado ng hapon, mainit na tinanggap ni Todd Snyder ang mga bisita ng Fashion Week sa “La Buena Vida” (Espanyol para sa “The Good Life”)—ang Spring 2026 design manifesto niyang hango sa wardrobe ng isang lalaking nagbabakasyon sa Havana.
“Hindi ito basta destinasyon; ito’y isang estado ng isip. Isipin ang kupas na alindog ng Havana noong ’50s na pinagsama sa angas ng isang lalaking naka-linen suit na kararating lang sakay ng seaplane sa Miami noong ’80s,” paliwanag ni Snyder, na kamakailan lang bumalik mula sa isang bakasyon kasama ang pamilya sa Havana.
Sa 44 na look, dinala ni Snyder ang kaniyang mga modelo sa nasabing destinasyon sa pamamagitan ng sueded-linen Ricky jackets, maluwag na formalwear sets, high-waisted Hollywood pants, at makinis, silky na suit statements. Sa buong koleksiyon, nakabiting malalapad na patterned ties—isang pagpupugay ni Snyder sa mid-century style ng ’50s at suiting ng ’80s—habang ang lounge shirts ay binudburan ng Flamenco dots at retro stripes na inspirasyon ng mga lumang payong, pang-chill lang ang dating.
Sa runway, parehong laid-back ang kilos ng entourage, naka-soft loafers at fisherman sandals habang tinatahak ang set na sinag-aan ng warm lighting. Ang mga mapanuring mata ay tiyak na napansin din ang pinakabagong Timex × Todd Snyder collabs—isang re-issue ng modelong 1976 at isang bagong take sa klasikong Marlin—na nakasabit sa kanilang mga pulso.
“May likas na push-and-pull sa mga piraso—sa pagitan ng matatag na estruktura ng tailoring at ng malambing na sensualidad ng mga siluweta,” dagdag pa niya.
Tingnan ang koleksiyong Spring/Summer 2026 ni Todd Snyder sa gallery sa itaas.



