Buod
- Inilunsad ng The Armoury at Ressence ang kanilang collab na relo, ang TYPE 9 ARM “Scattered Sun”.
- May magaan na titanium case at isang textured na salmon-hued dial na higit pang nagpapatingkad sa klasikong proporsyon nito.
- Limitado sa 20 piraso, eksklusibo lamang itong mabibili sa The Armoury.
Nakipagsanib-puwersa ang The Armoury at Ressence upang ilunsad ang TYPE 9 ARM “Scattered Sun,” isang bagong interpretasyon ng pinaka-compact at klasikong modelo ng independent watchmaker.
Ang 39 mm polished Grade 5 titanium case—na tumitimbang lang ng 39 gramo—ay bumabalot sa isang salmon-toned dial na hinasan sa pamamagitan ng PVD at sandblasting para sa pino at tactile na finish. Pinapagitnaan ito ng custom na fluted bezel na nagsisilbi ring minute track at bumabalot sa patented Orbital Convex System display ng Ressence, habang ang chocolate suede strap na may contrast stitching ay paalala sa menswear heritage ng The Armoury.
Ikinuwento ng founder ng Ressence na si Benoît Mintiens na “hinikayat kami ng The Armoury na pag-aralan ang mga proporsyon at detalyeng hindi namin sigurong susuungin—mas maliit na sukat, mas klasikong dekorasyon, at mga kulay na nakaugat sa tradisyonal na watchmaking,” kahit “ang display, porma at pilosopiya ay nananatiling purong Ressence.” Dagdag ng co-founder ng The Armoury na si Mark Cho, ang kanyang background sa tailoring ang nagbunsod sa isang relong “swak isuot sa suit,” kaya binigyang-diin nila ang sukat, init, tekstura at understated na karangyaan sa final na disenyo.
Limitado sa 20 piraso, eksklusibong mabibili ang TYPE 9 ARM “Scattered Sun” sa website ng The Armoury at sa mga boutique nito sa Hong Kong at New York sa halagang $19,000 USD / $148,200 HKD.



