Buod
- May bagong kolab ng Polo Ralph Lauren at MLB para sa isang koleksiyon ng mga sumbrero.
- Tampok sa mga sumbrero ang vintage na “Cooperstown” team logos at ang signature classic Polo colors.
- Pinagtagpo ng koleksiyon ang klasikong American style at baseball heritage.
Mulî na namang nagbabalik ang kilalang tambalang nagtatagpo ng American style at baseball heritage. Inilunsad ng Polo Ralph Lauren, sa pakikipag-collab sa MLB at New Era, ang pinakabagong koleksiyong nagbibigay ng fresh na twist sa paborito mong teams. Sentro nito ang hanay ng sumbrerong pinaghalo ang klasikong Polo aesthetics at vintage baseball history—perfect para sa parehong fashion obsessives at sports fans.
Tunay na masterclass sa co-branding at disenyo ang mga cap. Mula sa green plaid, bold na pula, hanggang sa klasikong bughaw, iba-iba ang colorways. Sa harap, nakabalandra ang retro “Cooperstown Collection” team logo bilang pag-alala sa mayamang kasaysayan ng Major League Baseball. Level up pa ang porma sa mga premium na detalye—nakaburda ang pangalang Ralph Lauren sa visor at ang iconic Polo Pony sa likod. Pati ang mga label sa loob ay special edition, patunay sa suwabeng craftsmanship ng koleksiyong ito.
Ipinagpapatuloy ng koleksiyong ito ang patok na partnership ng Ralph Lauren at MLB na nagsimula noong 2021. Ang pinakabagong drop ay pruweba na walang kupas ang dalawang brand—pinagsasama nila ang klasikong American style at ang walang-hanggang legacy ng pambansang libangan. Must-have ang mga cap para sa fans na gustong ipakita ang suporta sa kanilang team nang may polished, preppy vibe. Masisilip na online ang mga ito simula Setyembre 23, 10 p.m. EST.



