Ibinida ni Papatinho ang Ugat ng Brazilian Funk sa Bagong Album na “MPC”

Papatinho New Album MPC Release Information Brazil funk music
STEFF LIMA
Papatinho New Album MPC Release Information Brazil funk music
STEFF LIMA
Papatinho New Album MPC Release Information Brazil funk music
STEFF LIMA
Papatinho New Album MPC Release Information Brazil funk music
STEFF LIMA

Ang Brazilian producer na si Papatinho—kilala sa pakikipag-collab kina Snoop Dogg at Shakira—ay naglabas ng kanyang bagong album, MPC (Música Popular Carioca). Isang tribute ito sa funk scene ng Rio de Janeiro. Ang titulo ng album ay tumutukoy kapwa sa “Carioca Popular Music” at sa MPC audio sampler, ang tool na ginamit sa produksiyon ng album.

Ang album ay pagbabalik sa ugat ng Rio baile funk, pinagsasama ang mga artist mula sa iba’t ibang henerasyon. Tampok dito ang mga payunir ng genre tulad nina MC Marcinho at MC Carol, pati na ang mga modern stars na sina Anitta at MC Cabelinho. Sumasalamin sa tunog nito ang impluwensiya ng Miami bass sa unang wave ng Rio funk. “Lumaki akong nakikinig ng funk, at ito ang genre na ginawa kong buo gamit lang ang MPC,” kuwento ni Papatinho, binigyang-diin ang papel ng instrumentong iyon sa paglikha ng album.

Sa proseso ng produksiyon para sa MPC ay nakatuon sa pagkuha ng diwang pinagmulan ng genre. Ni-record ni Papatinho ang buong album gamit lamang ang isang dynamic microphone, kaya niyang magtala saan man siya naroroon. Sa ganitong paraan, naitala niya ang mga artist sa mismong mga komunidad nila—kabilang ang mga session kasama si Cidinho sa Cidade de Deus at si Duda do Borel sa isang bar sa Favela do Borel. Ang prosesong ito, na nasa isang hindi pa inilalabas na visual archive, ang naging puso ng konsepto ng proyekto.

“Sobrang fulfilled ko na may nagawa ako para sa henerasyong ito—ang unang henerasyon ng funk artists.”

Dagdag pa niya, layunin ng proyekto na siguraduhin na kinikilala at nirerespeto ng lokal at internasyonal na tagapakinig ang ambag ng mga naunang artista. Para kay Papatinho, pinakamalaking tagumpay ng proyekto ang epekto nito sa music community. “Never pa ako nakatanggap ng ganito karaming positive na mensahe,” sabi niya. “Grabe, surreal ang approval.”

0 Mga Komento
 

Sinusubukan mo ang bagong beta na website

Ibahagi ang iyong feedback sa amin, makakatulong ito na mapabuti ito para sa iyo.