Nike x TOMO KOIZUMI Air Superfly, Opisyal na Inilunsad

Pinagsama ng collab ang tindi ng sports at ang dramatic na couture sa isang limited-edition sneaker.

Sapatos
2.8K 0 Mga Komento

Pangalan: TOMO KOIZUMI x Nike Air Superfly
Colorway: TBC
SKU: TBC
MSRP: $160 USD
Petsa ng Paglabas: September 20
Saan Mabibili: Dover Street Market Ginza

Nakipag-collab ang Nike kay Tomoki Koizumi, ang founder ng Japanese fashion label na TOMO KOIZUMI, para ilabas ang limited-edition Air Superfly na pinaghalo ang dynamism ng sports at ang theatrical flair ng couture.

Base ng koleksiyong ito ang Air Superfly—isang slim-fit sportswear silhouette na ni-relaunch nitong tagsibol bilang lifestyle sneaker, 25 taon matapos itong unang ilabas bilang low-profile racing shoe. Hugot sa Japanese manga at sa mga elite na babaeng atleta, pinagsama ni Koizumi ang sining at sports sa Air Superfly, matapang na ibinabandera ang fierce femininity at modernong inobasyon. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Koizumi, “Ang Nike Air Superfly ay isang napakagandang canvas para paghaluin ang sining at sports. Layunin kong pagsamahin ang disenyo at customizability ng running sa pamamagitan ng mga evocative na materyal at kulay upang makalikha ng kakaiba ngunit wearable na istilong nagbibigay-daan sa kababaihan na ipakita ang iba’t ibang personalidad depende sa OOTD nila.”

Ang upper at logo sa dila ay gamit ang lens-like na materyal na nag-iiba ng kulay depende sa ilaw, habang ang outsole ay may multicolored na base na may berdeng tuldok na paalala ng mga pin ng track spikes noong 2000s. May palit-palit na Swoosh na may Velcro straps sa tatlong estilo—kasama ang multicolor at itim na may ruffled finish—at sari-saring lace options, kaya madaling ma-personalize ng wearer ang sapatos ayon sa sariling estetik. Sa sockliner nakapresinta ang TOMO KOIZUMI logo bilang tatak ng kanyang pinakabagong obra.

Para mas mailabas pa ang kanyang bisyon para sa Air Superfly, naglunsad sina Nike at Koizumi ng campaign kasama ang mga atleta ng brand: three-time Olympic gold medalist at 10-time world champion sprinter Shelly-Ann Fraser-Pryce, 2024 Olympic 100m hurdles gold medalist Masai Russell, at rising Japanese sprinter Arie Aoki. Paliwanag ni Koizumi: “Ang mga atletang tulad ni Shelly-Ann ay nire-redefine ang kahulugan ng pagiging feminine—bold at stylish nang walang paghingi ng paumanhin—habang sabay na ipinapamalas ang kanilang raw power sa pinakamataas na antas. Inspirado ako sa kung paano nila itinutulak ang hangganan ng kanilang sport at, kasabay nito, ipinapahayag ang sarili sa pamamagitan ng fashion, binubura ang harang sa pagitan ng sports at self-expression.”

Basahin ang Buong Artikulo