Hinding-hindi na mauulit pa ang isang atleta tulad ni LeBron James: apat na titulo sa NBA, apat na Finals MVP, apat na regular-season MVP, at 42,184 puntos sa regular season. Sa edad na 40, puwede na sana siyang mag-retiro, pero patuloy na binabasag ni “The King” ang lahat ng inaasahan. Ang maalamat niyang karera—kabilang ang pagiging kalahati ng kauna-unahang mag-amang naglaro nang magkasama—ay sumasalamin sa solid niyang ugnayan sa Nike.
Ngayong taon, papasok si LeBron sa kaniyang ika-23 season—kasabay ng ika-23 installment ng kaniyang signature line, ang Nike LeBron 23. Espesyal ang numerong “23” para sa duo dahil iyon ang suot niyang jersey sa karamihan ng kaniyang karera. Bilang selebrasyon, itinuturing ng Nike Basketball ang LeBron 23 bilang isa sa kanilang pinaka-ambisyosong kampanya kailanman.
Nilinaw ni LeBron sa team ng Nike na gusto niyang pinakamalupit at pinakaspecial ang kaniyang ika-23 na sapatos. Para rito, in-immortalize ng Nike ang 23 makasaysayang sandali ni LeBron sa pamamagitan ng kani-kaniyang colorway.
Nagsimula ang Nike team sa mahigit 50 konsepto at, sa tulong mismo ni LeBron, pinili itong maging 23 lang. Nang pag-review-hin siya, inisa-isa ni LeBron ang mga kuwento na importante sa kanya. Bagama’t inaasahan ng team ang marami sa kaniyang pinili, may ilang napili siya na ikinagulat nila.
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Pagkakakumpleto sa listahan, hinati ng team ang kuwento sa tatlong era. Nagsimula ito sa kanyang historic na high-school performance sa ESPN noong 2002 para sa St. Vincent–St. Mary High School, at umabot sa makapigil-hiningang playoff runs niya kasama ang Cleveland Cavaliers. Mula roon, minarkahan ng “The Decision” ang panibagong yugto ng kanyang karera, na nauwi sa ikatlong era—ang pagbabalik niya sa Cleveland na naghatid ng unang kampeonato ng lungsod.
Nangunguna sa paglalakbay na ito ang pangunahing colorway na “Uncharted,” na nagkukuwento sa pagiging kauna-unahang manlalaro ni LeBron na umabot sa 40,000 puntos sa regular season. Ang all-gold finish nito ay gumagamit ng vapor deposition—isang teknik na unang beses na ginamit ng Nike. Samantala, ang diamond pattern sa upper ay simbolo ng kasin-dalisay at pambihirang tagumpay na ito. Bukod pa sa nakaka-agaw-pansing disenyo, may “40,000 points” graphic sa sakong bilang paggunita sa milestone.
Ang “Uncharted” ay isa lang sa 23 kuwentong isinasabuhay ng LeBron 23. Bawat disenyo ay may graphic na upper na nagpapatuloy sa kuwento, at sa likod ng sapatos ay may mga detalyeng tumutukoy sa bawat tema.
Matapos suriin ang wear-test pair ng LeBron 23 na sinuot ni King James nitong tag-init, opisyal nang ibinahagi ng Nike ang teknikal nitong detalye. Ang kaniyang crown logo ang nagsisilbing cradle ng sneaker, na nagpapakita ng halaga nito at nagbibigay ng function. Ang dip sa unahan ay nagdadala ng flexibility, habang ang mas mataas na midfoot ay nag-aalok ng katatagan. Pinatitibay naman ito ng sakong na nagsisilbing huling layer ng suporta.
Sa loob ng sapatos ay matatagpuan ang kauna-unahang ZoomX drop-in ng Nike Basketball. Hatid nito ang sukdulang responsiveness sa ilalim ng paa na sinusuportahan ng Cushlon 3.0 foam. Kumukumpleto sa loob ang isang buong carbon-fiber shank para sa dagdag na tibay at katatagan. Sa labas, ang traction pattern ay hugis numero 23 at may multi-directional grip para sa galaw sa anumang direksiyon.
Maaaring ang sapatos ang bida sa transaksiyon, pero isinasaalang-alang ng Nike Basketball team ang bawat detalye. Kapag bumili ka ng LeBron 23, may kasama itong ilang extras: nagpapatuloy ang storytelling sa isang booklet na detalyadong naglalahad ng lahat ng 23 sandali. Ang mga graphic sa likod ng sapatos ay nakapresenta rin bilang memorabilia—charms, alahas, keychain at mga tag. Kumukumpleto sa presentasyon ang isang espesyal na shoe box kung saan muling lumilitaw ang hugis ng korona.
“Sa buong taon, ipagdiriwang ang 23 sandaling ito sa piling lugar, sa mga piling activation, sa piling pagkakataon.”
Hinabi ng Nike ang storyline sa pamamagitan ng mga sneaker at pinalawak ito sa isang buo, magkakaugnay na koleksiyon ng apparel. Tumutugma ang 23 graphic tee sa 23 colorway ng sneakers, at nakalagay sa likod ang petsa ng bawat sandali. Mayroon ding premium na bersyon ng mga jersey mula sa kanyang high-school days hanggang sa kasalukuyan. Pinagsasama ng mga ito ang modernong fit at premium na materyales, tampok ang mga detalye gaya ng double-knit chenille at embossed suede sa jock tag. Kumukumpleto sa apparel line ang LeBron Signature Collection—isang marangyang lineup na gumagamit ng premium na finishes at materyales, gaya ng puffer jacket na may mesh overlays at zip-off sleeves.
Pagkatapos ng detalyadong pagtalakay sa susunod na kabanata ng legacy nina Nike at LeBron, tatlong pangunahing miyembro ng proyekto ang nagbahagi tungkol sa koleksiyon at sa development nito: sina Ross Klein, senior footwear design director ng Nike Basketball; Wil Green, senior director ng apparel design para sa Nike Basketball at NBA; at Jarrett Man, senior director ng Nike Basketball footwear.
Mayroon ba kayong isinaalang-alang na lifestyle factors sa pagdisenyo ng LeBron 23?
Ross Klein: Ang basketball ay laging pinaghalong performance at kultura, o istilo. Tuwing lumilikha kami ng produkto, iniisip namin kung ano ang hitsura nito sa loob at labas ng court. Performance beast ang sapatos na ito, pero ang mga elementong tulad ng korona—na nagsisilbing cradle—ay patuloy na nagpapaalala sa kanyang pamana ng kadakilaan. Sa “Uncharted” colorway, talagang statement ang sapatos; malalaman ng lahat na LeBrons ang suot mo at handa kang sumalo ng mga crucial shot.
Pagdating sa “Uncharted” colorway, magkakaiba ang upper sa bawat pares. Maaari mo bang ikuwento pa ang elementong ito?
RK: Bukod sa mga thematic graphic, importante rin ang pagpili ng kakaibang materyales—mula sa mga hinabing o natural na elemento hanggang sa mga materyales na hindi pa natin nakikita sa sapatos noon. Lahat iyan ay para maipahayag namin nang buo ang mga kuwentong ito.
Binanggit mo ang tagline na “fit for the king” para sa apparel collection.
Ano ang naging papel ni LeBron sa pagtukoy ng “fit for the king”?
Wil Green: Malaki ang kinalaman nito sa kung paano ipinoposisyon ni LeBron ang sarili niya on- and off-court—ang kanyang istilo at mga pinili. Malaki rin ang ambag niya sa pagpili ng mga materyales na gagamitin namin. Kapag ipinapakita namin sa kanya ang isang piraso, agad niyang iniisip kung paano ito babagay at ano ang magiging pakiramdam ng materyal sa balat. Sa panig namin, layon naming itulak ang mga bagay tungo sa mas modernong direksiyon. Pinayagan kami ng kampanyang ito na lampasan ang hangganan ng aming apparel design gamit ang mga materyales na hindi pa namin nagagamit sa ganitong kapasidad.
“At kung may makumpleto ang lahat ng 23 pares, baka may makita kayong kakaiba.”
Ang LeBron 23 ang kauna-unahang may ZoomX drop-in. Maaari mo bang ibahagi ang feedback na natanggap ninyo tungkol sa inobasyong ito?
RK: Patuloy kaming nagsasagawa ng wear-tests, lalo na para sa ganitong klase ng produkto. Layon naming tugunan ang pangangailangan ng susunod na henerasyon ng hoopers sa pamamagitan ng agility at responsiveness na may multi-directional flow. Hinamon namin ang sarili naming i-iterate, o paulit-ulit na baguhin, ang istruktura ng sole para dito. Sa umpisa, sobrang kapal ng ZoomX layer—masyadong compressive para sa mga player na gustong mabilis bumwelta pataas. Kaya patuloy naming tinono ang kapal hanggang mahanap ang perpektong balanse.
Puwede mo bang ilarawan kung paano makikibahagi ang mga tagahanga sa bawat isa sa 23 sandali habang inilalahad ang mga ito?
Jarrett Man: Isa sa pinaka-exciting na bahagi ay sadyang sinulat at iskrinip namin ang biyahe na ito. Bagama’t inilatag namin ito nang kronolohikal, susundan ito ng consumer sa isang kakaibang paraan. Sa buong taon, ipagdiriwang ang 23 sandaling ito sa piling lugar, may piling activation, sa piling panahon. Ayokong ispoil lahat, pero sigurado akong mae-enjoy ng fans ang pagbalik sa mga sandaling iyon.
RK: At kapag may nakompleto ang lahat ng 23, baka may makita kayong kakaiba.
Wil, sa bahagi ng apparel, nagbigay ang proyektong ito ng pambihirang pagkakataong makatrabaho nang malapitan ang iba pang teams. Iba ba ang naging pakiramdam mo sa prosesong ito? At paano mo ito nagustuhan?
WG: Ibang-iba talaga ito: sabay tayong nagsimula at sabay din nagtapos. Naging pamilya ang team sa paraan ng pag-aalaga at suporta namin sa isa’t isa. Pinakamalakas kong itinulak ang sarili ko para ma-deliver dahil nakita ko kung gaano ka-committed ang lahat.
Habang binubuo namin ang mga kuwento, pinag-aralan namin bilang isang solid na team ang mga natatanging elementong nagbibigay-diin sa bawat sandali. Ang paglalakbay na ito ay wala pang kaparis sa aking karanasan, at isang kamangha-manghang prosesong marami kaming natutuhan.
Ang Nike LeBron 23 “Uncharted” ay unang ilulunsad sa China sa Setyembre 25. Mula roon, mangyayari ang global drop sa Oktubre 3, kasunod ang karagdagang mga pares sa mga susunod na buwan.
Tingnan ang post na ito sa Instagram



