Pangalan: Nike Air Max 95 OG “Grape”
Colorway: White/Court Purple-Emerald Green-Wolf Grey
SKU: HHJ5996-100
MSRP: $190 USD
Petsa ng Paglabas: Spring 2026
Saan Mabibili: Nike
Magbabalik ang isang paboritong klasiko — at hindi basta-basta. Kumpirmado na ng Nike ang pinakahihintay na retro ng Air Max 95 OG “Grape,” isang colorway na unang lumabas noong 1995. Mas espesyal ito ngayon dahil may dalang mahalagang update: ang throwback “Big Bubble” cushioning system — isang homage sa mga prototype ng sneaker na may mas malaki at kitang-kitang Air unit.
Tapat na binuhay ng disenyo ang orihinal, gamit ang anatomy-inspired layered panels na dahan-dahang lumalalim ang kulay mula light grey hanggang dark habang pataas. Strategically placed pa rin ang matitingkad na lila at esmeralda — may purple sa dila, eyelets at branding, habang sumisilay naman ang emerald green sa loob ng “Big Bubble” Air units. Sa ganitong antas ng detalye, nananatiling true ang retro sa iconic nitong pinagmulan.
Ang pagbabalik ng “Grape” colorway ay bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng Nike sa ika-30 anibersaryo ng Air Max 95. Para sa mga purista, game-changer ang Big Bubble update dahil isinasalba nito ang parte ng kasaysayan ng silhouette na nabago na sa paglipas ng panahon. Inaasahang isa ito sa mga pinakainaabangang release ngayong Spring 2026.
Tingnan ang post na ito sa Instagram



