Marvel x BAPE STA “Fantastic Four” Collection: Mula Komiks Hanggang Kalsada
Bawat pares sa koleksiyon ay nagbibigay-pugay sa tig-isang miyembro ng serye.
Name: Marvel x BAPE STA “Fantastic Four” Collection
Colorway: TBC
SKU: TBC
MSRP: TBC
Release Date: September 27
Where to Buy: BAPE
Pagkatapos ng kanilang paglabas sa malaking screen, nakipagsanib-puwersa ang Unang Pamilya ng Marvel sa BAPE para sa BAPE STA “Fantastic Four” Collection. Sa koleksyong ito, binigyang-panibagong anyo ang silweta ng BAPE STA bilang handog sa mga tagahanga at kolektor—itinatampok ang bawat miyembro ng maalamat na pamilya, pati na ang kanilang mga kakampi at maging ang kanilang mga kalaban.
Bawat silweta sa koleksiyong ito ay kumukuha ng inspirasyon sa natatanging katangian ng bawat karakter. Nanatiling klasiko ang pares nina Mr. Fantastic at Invisible Woman sa kanilang pirma-ng asul-at-puti. Nagliliyab sa pula at dilaw ang Human Torch pair, habang ibinabandera ng Thing pair ang matatag na kahel na may asul na detalye. Sumasaludo naman ang Doctor Doom pair sa kaniyang berdeng baluti sa pamamagitan ng metallic gray na tono. Sa huli, lumilipad sa cosmic vibe ang Galactus at Silver Surfer pair sa pink at asul—ang kinikilalang palette ng Devourer of Worlds. Bilang tanda ng pakikipagtambal ng Marvel at BAPE, nakaburda ang Marvel logo at character artwork sa kanan at kaliwang takong.
Ilalabas na ngayong Sabado ang Marvel x BAPE STA “Fantastic Four” Collection sa website at mga physical store ng BAPE. Kung Marvel fan ka, huwag palampasin ang pagkakataong masilip ang koleksiyong ito.



