Pangalan: MARKET x Reebok Club C “Water”; MARKET x Reebok Club C “Camo”nMSRP: $150 USDnPetsa ng Paglabas: Setyembre 19; Setyembre 24nSaan Mabibili: MARKET; Reebok
Muling nagsanib-puwersa ang MARKET at Reebok para sa kanilang ikalawang footwear drop. Matapos ang unang collab nila noong 2023 para sa Reebok x MARKET Club C 85 Pump, balik-tropa sila para sa isang malikhaing pag-interpretang muli ng signature silhouette ng Reebok—ang Club C.
Sa pagkakataong ito, sinasalamin ng duo ang kontrast ng lupa at dagat para sa kanilang pangalawang handog ng footwear at apparel. Bawat piraso ay idinisenyo para sa seamless na paglipat mula tubig papuntang lupa—kumpletong panlaban-sa-panahon at punô ng sleek, tactical at functional na detalye.
Sa usapang sapatos, inihahatid nila ang Reebok x MARKET Club C 85 “Water” at ang MARKET x Reebok Club C “Camo”. Ang una—isang sobrang breathable na disenyo—ay may custom mesh upper na may sandal-style straps, tonal na sintas, terry cloth lining at branded hits sa iba’t ibang parte. Ang ikalawa naman ay may tear-away double canvas upper sa custom camo ng MARKET, walang panel seams, tonal na sintas at terry cloth lining.
Para sa apparel, tampok sa drop ang abong koleksiyon ng outerwear—isang track jacket at pants set, isang hoodie, at isang reversible vest.
Unang lalapag ang mga ito sa webstore ng MARKET sa Setyembre 19, kasunod ang global drop sa Reebok sa Setyembre 24.



