Buod
- Nag-collab ang Market Studios at SEGA para sa isang bagong streetwear na koleksiyon.
- Inspirado ang capsule sa Sonic the Hedgehog at sa kaniyang mga klasikong karakter.
- Ilalabas ang collab na ito sa Setyembre 12, 2025.
Nag-sanib-puwersa ang MARKET at SEGA of America, Inc. para sa kanilang pinakabagong drop: isang kumpletong streetwear collection na nagbibigay-pugay sa iconic na mundo ni Kilalá ang MARKET sa kakayahang ihalo ang paboritong pop culture sa kakaiba nilang creative vision; at ngayon, inilapat nila ang pirma nilang estilo sa high-speed universe ni Sonic the Hedgehog.
Binubuhay ng capsule ang mga klasikong karakter mula sa mundo ni Sonic sa samu’t saring apparel at accessory—mula sa burdadong headwear at premium hoodies hanggang sa screen-printed T-shirts. Bawat piraso’y pinagsasama ang mapangahas na disenyo ng MARKET at ang nostalgic na enerhiyang dala ni Sonic sa nakalipas na mahigit tatlong dekada. Sa koleksiyong ito, nagsanib ang branding ng MARKET at ni Sonic para sa isang solid na throwback vibe, kung saan si Sonic at si Knuckles ang pangunahing tampok.
Magiging available ang koleksiyong MARKET x Sonic the Hedgehog sa Setyembre 12, 2025 sa MarketStudios.com, sa flagship store ng MARKET sa La Brea, at sa piling retailer. Para ipagdiwang ito, may libreng event sa Biyernes, Setyembre 12 sa flagship store, tampok ang meet-and-greet kasama si Sonic, isang gaming tournament, at giveaways para sa unang 50 bisita.



