Buod
- Inilunsad na ng New York City–based photography lifestyle brand na Manual ang pinakabagong digital camera nito: ang HOLO na may clear shell.
- Naka-encase sa compact na clear shell pero loaded sa lahat ng kailangang tool para sa high-resolution photo at video capture, available ang bagong digicam sa apat na colorway.
- Sa presyong $95 USD, mabibili na ang camera ngayon.
Nakasandig ang ethos ng Manual sa pinagmulan nitong creative community sa New York City. Sa pinakabagong release, muling pinapaalala ng brand ang di matitinag nitong ugat sa pamamagitan ng isang digital camera na nilikhang pagsilbihan nang husto ang core audience nito.
Bansag na “HOLO,” ang Y2K-inspired na digicam na ito ay ganap na transparent—nasa compact na clear shell—pero punô ng lahat ng kailangang function para sa high-resolution (50 MP, to be exact) content capturing.
Para sa photo man o video, tampok sa HOLO ang built-in flash, 16× digital zoom at anti-shake tech.
“Binuo namin ang HOLO bilang isang tool para makapaglaro, kung saan ang mga di-kasakdalan ang nagiging sining,” paliwanag ng founder at Creative Director ng Manual na si Malcolm Dia. “Nilikha ang mga camera para ipasa-pasa sa barkada, bumuo ng kolektibong arkibo ng mga gabi, weekend at alaala na tunay na totoo.”
May 32 GB na built-in memory, rechargeable via USB-C, at kasama ang isang SD card reader para sa madaliang transfer sa phone o laptop.
Silipin ang Manual HOLO digicam sa gallery sa itaas at i-checkout ang sa’yo ngayon sa halagang $95 USD sa opisyal na webstore ng brand.



