Inianunsiyo ng Fear of God ang Pangmatagalang Pakikipagsosyo sa MLB

Fear of God Announces Multi-Year Partnership With MLB baseball Athletics, Atlanta Braves, Chicago Cubs, Chicago White Sox, Colorado Rockies, Detroit Tigers, Los Angeles Dodgers, Miami Marlins, Minnesota Twins, New York Mets, New York Yankees, Seattle Mariners and St. Louis Cardinals fan apparel
Fear of God

Buod

  • Nagtakda ang Fear of God ng bagong pangmatagalang pakikipagsosyo sa MLB
  • Sa unang koleksiyon, tampok ang team apparel na binihisan ng mga signature silhouette ng Fear of God Essentials.
  • Ipinagdiriwang ng inaugural campaign ang “Picture Day,” sa pamamagitan ng pagbibida sa pamilya at komunidad.

Sa isang makasaysayang kolaborasyong pinagtagpo ang sports at high fashion, inanunsyo ng Fear of God ang pangmatagalang pakikipagsosyo nito sa Major League Baseball (MLB). Sa proyektong ito—na malaking hakbang para sa parehong brand—ibinabalik ang walang-kupas na espiritu ng laro sa fan apparel, na binihisan ng mga signature silhouette at makabagong detalye mula sa Fear of God Essentials.

Sa unang labas ng koleksiyon, tampok ang mga pirasong apparel para sa mga iconic na prangkisa gaya ng Los Angeles Dodgers, New York Yankees, Chicago Cubs at iba pa. Para ipagdiwang ang paglulunsad, nakipagtulungan sila sa filmmaker na si Calmatic para sa inaugural campaign na kumukuhang-muli sa authentic na istilo ng libangang tumatawid sa maraming henerasyon—sa lente ng Picture Day.

Ayon sa tagapagtatag ng Fear of God na si Jerry Lorenzo, natural ang ugnayang ito: “Ang baseball ang tanging constant sa Amerika. Ipinapakita nito ang takbo ng panahon—kung nasaan ang bansa, ano ang pinahahalagahan ng kultura, at kung paano nagsasama-sama ang mga tao,” paliwanag niya. “Isa itong salamin at pananda ng buhay Amerikano, sumasagisag ng tradisyon at ebolusyon.”

Dagdag pa ng filmmaker na si Calmatic, “Malaking okasyon palagi ang Picture Day sa ballpark… tungkol ito sa pamilya, komunidad, at pride. Dumarating ang mga tao dala ang pinakamagarang representasyon ng kanilang sarili… at patuloy nilang pinangangalagaan ang kanilang social identity.”

Inilunsad ang koleksiyon sa Fear of God (FOG) at Fanatics noong 10 Setyembre, at inaasahang magiging available ito sa piling retailer at stadium store sa mga darating na linggo.

 

Tingnan ang post na ito sa Instagram

 

Isang post na ibinahagi ng FEAR OF GOD ESSENTIALS (@essentials)

Joyce Li Editor

For over half a decade, Joyce Li has served as an Editor on Hypebeast's global team, leveraging profound industry insights to capture the zeitgeist. Through her editorial lens, she anticipates emerging trends while dedicating her platform to spotlighting those making the greatest impact on culture today. A storyteller first and foremost, she examines the cross-pollination of fashion, footwear, art, music, and sports. This intersectional approach has led to compelling interviews with industry-defining figures like LeBron James, Pharrell Williams, Tom Brady, NIGO, A$AP Rocky, KAWS, and more.

0 Mga Komento Ikaw ang unang mag-komento
 

Sinusubukan mo ang bagong beta na website

Ibahagi ang iyong feedback sa amin, makakatulong ito na mapabuti ito para sa iyo.