Wagi si Drake: Higit 120 Bilyong Streams sa Spotify, Siya pa rin ang Hari
Siya ang kauna-unahang artist sa kasaysayan ng platform na makalagpas sa mahigit 120 bilyong stream.
Buod
- Si Drake ang kauna-unahang artist na nakaabot sa mahigit 120 bilyong stream sa Spotify.
- Siya pa rin ang nangunguna, malayo kina Taylor Swift (110 bilyon) at Bad Bunny (100 bilyon).
- Pinaka-streamed niyang kanta ang “One Dance,” na may mahigit 3.7 bilyong stream.
Mas pinalakas ni Drake ang kaniyang trono bilang pinaka-pinapakinggang artist sa Spotify matapos maging unang musikero na makalagpas sa 120 bilyong stream sa lahat ng kaniyang kanta—solo man o featured. Patunay nito na hindi kumukupas ang kaniyang kasikatan kahit pa natalo siya sa “beef battle” kontra Kendrick Lamar noong nakaraang taon.
Para makita ang laki ng agwat, ang pangalawang pinaka-streamed na artist, si Taylor Swift, ay may lampas 110 bilyong stream—10 bilyon ang diperensya kay Drake. Pangatlo si Bad Bunny, na siya lang ding nakaabot sa 100 bilyon. Sunod sina The Weeknd (84.5 bilyon), Justin Bieber (64.2 bilyon), at Ed Sheeran (59.6 bilyon).
Sa buong katalogo ni Drake, nangunguna ang “One Dance” (mahigit 3.7 bilyon), sinundan ng “God’s Plan” (2.8 bilyon), “Passionfruit” (1.9 bilyon), at halos 1.5 bilyon naman ang “Work” at “Hotline Bling”.



