Nag-team up sina Spotify, BAPE, at rapper na si Central Cee para sa isang bagong collab, kung saan si Central Cee mismo ang Creative Director ng BAPE x SYNA World capsule collection. Itong partnership na ito ang bagong milestone sa karera ng artist—mula sa pagiging namamayagpag na rapper, patuloy siyang umaangat bilang malikhaing puwersa sa global na fashion at kultura.
Pinagsasama ng koleksyon ang signature style ng BAPE at ang unique aesthetic na binuo ni Central Cee para sa sarili niyang brand, ang SYNA World. Sa pinakapuso ng collab na ito, gusto nitong paglapitin ang mga artist at fans, at ipagdiwang ang creativity at walang takot na self-expression sa musika, estilo at komunidad. Ang unang drop—isang espesyal na BAPE x SYNA World T-shirt—ay magiging exclusive para sa top fans ni Central Cee sa Spotify. Naka-print dito ang iconic camo ape head at ang SYNA logo gamit ang pamosong BAPE font bilang pag-alala sa partnership.
Makakukuha ka ng early access kung isa ka sa unang dadating sa BAPE STORE London sa 24 Setyembre. Ise-send mismo ng Spotify ang kompletong detalye kung paano makakasali.
Silipin na ang exclusive T-shirt sa itaas. Abangan din ang buong koleksiyon na nakatakdang i-drop sa Nobyembre 25.
BAPE STORE LONDON
24-25 Conduit St
London W1S 2XU
United Kingdom



