Buod
- Nag-collab ang adidas at BAPE sa isang bagong soccer collection na pinaghalo ang streetwear vibe at ang diwa ng isport.
- Highlight ng drop ang cleats na may ABC CAMO print at isang na-rework na adidas Samba na may SKULL STA face.
- Lalabas ang koleksiyong ito — kasama ang apparel at accessories — sa Setyembre 6.
Nagsanib-puwersa ang adidas at BAPE para sa isang bagong soccer collection na pinagsasama ang streetwear sensibility ng Japanese label at ang enerhiya ng pinakasikat na isport sa mundo.
Pinangungunahan ang koleksiyon ng dalawang fresh na take sa top-tier soccer cleats ng adidas: ang Predator Elite FT at F50 Elite Firm Ground. Ang Predator Elite ay sinuotan ng pamatay na green ABC CAMO ni BAPE na may gold stripes, habang ang F50 Elite naman ay may ABC CAMO upper na nag-o-ombre mula asul hanggang pink.
Mula pitch hanggang kalye, binigyang-bagong buhay din ng BAPE ang klasikong adidas Originals Samba. Ang iconic na silhouette ay mayroon nang SKULL STA face na may rubber finish bilang kapalit ng tradisyunal na suede toe box. Dalawa ang kulay na pagpipilian: puti na may itim at abong detalye, at itim na may puting accents. Kasama rin sa koleksiyon ang apparel at accessories gaya ng ABC CAMO jerseys at isang BABY MILO shoulder bag.
Pasilipin ang drop sa itaas. Ang adidas x BAPE soccer collection ay magla-launch sa Setyembre 6.



