Bagitong Henyo na si Andres Valencia, Nakipag-tambal sa Tanyag na Paris Print House

andres valencia mourlot editions museo jumex prints posters editions
Courtesy of the artist and Mourlot Editions
andres valencia mourlot editions museo jumex prints posters editions
Courtesy of the artist and Mourlot Editions
andres valencia mourlot editions museo jumex prints posters editions
Courtesy of the artist and Mourlot Editions
andres valencia mourlot editions museo jumex prints posters editions
Courtesy of the artist and Mourlot Editions
andres valencia mourlot editions museo jumex prints posters editions
Courtesy of the artist and Mourlot Editions

Buod

  • Pakikipagtambal sa makasaysayang Mourlot Editions ng Paris para sa limitadong edisyon ng mga print
  • Nakatakda ang kaniyang unang eksibisyong pangmuseo sa unang bahagi ng 2027 sa Museo Jumex sa Mexico City.

Ang 13-anyos na pintor mula San Diego na si Andres Valencia ay nakipagtambal sa Mourlot Editions, ang kilalang print house sa Paris na itinatag noong 1852 at minsang gumawa ng mga lithograph para kina Picasso, Matisse, Chagall at Miró. Bilang isa sa pinakarespetadong studio sa kasaysayan ng fine art printing, bihira nang makatrabaho ng Mourlot ang mga kontemporaryong artista, kaya’t itinuturing ang kolaborasyong ito na malaking tagumpay para sa batang karera ni Valencia.

Kabilang sa inilabas na tatlong print, Woman, Samurai at Commander, na pawang may sukat na 22 x 28 pulgada. Nilikha ang mga ito gamit ang tradisyunal na teknik ng Mourlot na pinagyaman ng mga henerasyon ng master printer. Available ang open (unsigned) copies sa halagang $250 USD, habang ang limitadong edisyong may pirma ay $1,250 USD sa website ng Mourlot Editions.

Naging instant sensation si Valencia sa Art Miami noong 2021 bilang pinakabatang artist na itinampok sa art fair. Mula $10,000 USD, umakyat agad sa mahigit $100,000 USD ang presyo ng malalaki niyang canvas na hango sa Cubism. Sa nakalipas na tatlong taon, naipagbili ng Phillips sa auction ang lima sa kaniyang painting. Halos 300,000 ang sumusubaybay sa kaniya sa Instagram. Kabilang sa kaniyang mga kolektor sina Eva Longoria, Sofia Vergara, Sergio Ramos at Karol G, gayundin ang mga bigating personalidad sa mundo ng sining tulad nina Ron Burkle, Jessica Goldman at Eugenio López Alonso.

Mahigit $1 milyon USD na halaga ng kaniyang mga obra ang naipagkaloob niya sa mga charity gaya ng UNICEF at amfAR. Mas maaga ngayong taon, inilabas ng DK Penguin Random House ang kaniyang unang aklat na “Painting Without Rules.” Nakatakda rin ang kaniyang kauna-unahang eksibisyong pangmuseo sa unang bahagi ng 2027 sa Museo Jumex sa Mexico City.

Keith Estiler Managing Editor, Hypeart

Keith Estiler is a New York-born curator, writer, and the Managing Editor of Hypeart, the contemporary art arm of Hypebeast. Based in NYC, Keith heads up editorial strategy at the intersection of contemporary art and culture, capturing the icons and outliers of both the local and international scenes. He has curated exhibitions worldwide, dedicated to championing the emerging voices and subcultures currently redefining contemporary visual culture.

0 Mga Komento
 

Sinusubukan mo ang bagong beta na website

Ibahagi ang iyong feedback sa amin, makakatulong ito na mapabuti ito para sa iyo.