Nike International Running Pack: Pinaghalo ang Retro Style at Performance Tech
Ilulunsad sa buong mundo sa 10 Setyembre, kasunod ng eksklusibong debut nito sa UNION RUNNING DEPT. BY NIKE sa Tokyo sa 30 Agosto.
Ipinakilala ng Nike ang International Running Pack, isang bagong koleksiyon na binubuo ng apat na makabagong modelo na pinagbubuklod ng mayamang running heritage ng brand at ng modernong estetikang Hapón.
Sa Vaporfly 4, Alphafly 3, Pegasus 41 at Vomero 18, muling binigyang-buhay ang mga disenyo mula sa makasaysayang modelo ng Nike at iniangkop sa mga makabagong siluwetang pang-road running at pangkarera. Ilulunsad ito ilang araw bago ang track and field championships ng Tokyo at unang ipapasilip sa UNION RUNNING DEPT. BY NIKE sa lungsod—lalo pang pinatitibay ang dekada-dekadang ugnayan ng Nike sa Japan.
Ayon kay Katsunobu Asayama, pangunahing designer ng koleksiyong ito, layunin ng brand na ‘tapatan ang hilig ng mga Japanese runner sa vintage style sa pamamagitan ng paghahalungkat sa aming archive at paglalapat ng ilan sa aming klasikong disenyo sa mga modernong siluweta ng Nike Running—dinadala ang retro look na kinahuhumalingan ng komunidad sa pinakabagong inobasyon namin sa sapatos.’ Dagdag pa niya, humuhugot din ang kaakibat na apparel collection sa kaparehong tema, gamit ang nostalgic na paleta ng kulay at matatapang na half-tone graphics.
Humugot ng inspirasyon sa Pre Montreal racing spike ang Vaporfly 4, na kumakatawan sa pinakabagong ebolusyon ng “super shoe” ng Nike at inialay sa alamat na si Steve Prefontaine bago ang 1976 Olympics sa Montreal. Samantalang ang Alphafly 3 ay hinango sa Sting—isang disenyo dalawang taon matapos ang Pre Montreal na kilala bilang kauna-unahang suede at nylon racing flat ng Nike. Gayundin, isinasalin ng Pegasus 41 ang mga elemento ng Waffle Runner, habang nagbibigay-pugay naman ang Vomero 18 sa LD-1000. Sa bawat pares, kapansin-pansin ang inspirasyong dekada ’70 sa kulay at graphics, at inilalapat ang Swoosh at iba pang detalye sa pamamagitan ng makabagong direct-printing process.
Magiging unang available ang Nike International Running Pack na footwear at apparel sa UNION RUNNING DEPT. BY NIKE sa Tokyo sa Agosto 30. Susunod itong ilulunsad sa buong Japan sa Setyembre 5 bago i-release sa buong mundo sa nike.com at piling retail stores sa Setyembre 10.



