Mga DJ, magdiwang — may bagong controller na dumating. Inihayag ng RANE, ang Amerikanong tagagawa ng pro-audio at DJ gear, ang RANE ONE MKII, pinakabagong bersyon ng hit na RANE ONE controller na inilabas noong 2021. Higit ito sa simpleng makeover; puno ang all-new RANE ONE MKII ng malalaking upgrade — mula sa mas pulidong UI hanggang sa mga makabagong stem tool — kaya’t buong kumpiyansa ang brand na ang bagong DJ controller na ito ang ‘ebolusyon ng kahulugan ng pagiging isang propesyonal na DJ.’
Mulang pagkakatatag nito noong 1981, walang patid nang gumagawa ng DJ gear ang Washington-based na brand, kasabay ng pag-usbong ng DJ culture at sa kabila ng apat na dekada ng pagbabago sa teknolohiya at estilo ng musika at pagmi-mix. Pinagtagpo ng RANE ONE MKII ang modernong tech at walang-kupas na technique, sa pamamagitan ng dalawang 7.2-inch na motorized platter na nagbibigay ng tunay na vinyl feel, at mga plunger-style start/stop button para sa dagdag na pisikal na kontrol. May opsiyon din itong low at high torque na maaari pang i-fine-tune ng bawat user sa pamamagitan ng adjustable torque setting ng mga platter.
Mas lalong nadarama ang kontrol, salamat sa 16 na performance pad na isinama ng RANE sa ONE MKII. Mabilis tumugon ang mga pad na ito at may 10 preset mode plus isang user-customizable mode na puwedeng i-assign sa iba’t ibang input — mula sa pag-control ng effects at pag-manipula ng stems hanggang sa RGB lighting na nagdadagdag ng instant flair saan ka man tumugtog.
Siksik din ang RANE ONE MKII sa effects at audio-manipulation features na hinahayaan ang mga DJ na bumuo ng tunog na tunay na kanila. Tampok dito ang isang bagong-debelop, advanced na real-time stems control system na tinawag ng brand na ‘groundbreaking’. Nakikipag-ugnayan ito sa Serato DJ Pro ng RANE at nagbibigay-daan sa mga DJ na madaling maghiwalay ng mga track, galawin ang mga instrumental, at i-remix ang bawat elemento ng kanta, gamit ang mga dedicated instrumental button at ang ‘Instant Stem Acapella’ na naghihiwalay ng bahagi ng track sa isang tap lang. Bukod pa rito, may 29 na bagong hardware-based effects ang controller, kasama ang isang dedicated display para i-activate ang mga ito.
Ayon sa RANE, ‘studio-grade’ ang sound quality ng bagong controller, at ‘bawat mix ay malinaw at malutong kahit gaano pa kalaki ang venue’. Tinutulungan itong maabot ng isang 32-bit floating-point digital signal processor na kaakibat ng onboard na 24-bit/48 kHz digital audio converter. Mayroon din itong dalawang-channel mixer na may bantog na MagFour Crossfader ng RANE, na idinisenyo ‘para sa presisyon at tibay’ — kahit pa sa ‘pinakamatitinding scratch o performance routine’.
Ayon kay Morgan Donoghue, VP for Marketing ng brand, ‘Kinolekta namin ang lahat ng gustong-gusto ng DJs sa authentic turntable control at pinalawak pa ito sa creative flexibility na hinahanap ng modernong crowd. Binibigyan ng RANE ONE MKII ang mga DJ ng kapangyarihang basahin ang vibe ng audience at ibigay nang eksakto ang kailangan ng bawat sandali.’
Engineered sa Estados Unidos, nangangako ang bagong RANE ONE MKII na maging solid na choice — para man sa bedroom DJ o sa mas bihasang pro.
Available na ito sa buong mundo sa presyong £1,349 GBP / $1,499 USD.



