Buod
- Kaka-reveal lang ng Nike Basketball ng signature logo ni Caitlin Clark, kasabay ng paglalabas ng detalye ng kanilang partnership.
- Ngayong season, ilulunsad ang Caitlin Clark Logo Collection na magtatampok ng malawak na seleksiyon ng apparel.
- Nakatakdang ilabas ang signature shoe ni Clark sa susunod na taon.
Opisyal nang inanunsyo ng Nike Basketball si Caitlin Clark bilang pinakabago nitong signature athlete. Bagama’t sophomore pa lang sa WNBA, malaki na ang naging epekto niya sa laro at patuloy pang tumataas ang kanyang status.
Kasabay nito, inilunsad din ang kanyang signature logo na binubuo ng magkakaugnay na mga C. Kumakatawan ang mga C na ito sa kanyang “di-matitinag na kumpiyansa, matibay na dedikasyon at pambihirang shooting.” Sa gitna ay may mas maliit pang C na sumisimbolo sa paghubog ng kanyang laro mula sa loob palabas.
Darating na rin ang Caitlin Clark Logo Collection na binubuo ng T-shirts, hoodies, shorts at pantalon para sa lahat ng edad, kasama ang ilang premium pieces para sa adults. Ipinahayag din ng brand na sa 2026 ay opisyal nang ilulunsad ni Clark ang kanyang unang signature shoe.
Isang navy-at-yellow na Caitlin Clark logo tee ang unang lalabas sa North America sa September 1. Susunod namang darating ang natitirang apparel sa October 1. Tutok lang para sa mga susunod na update tungkol sa collab niya kasama ang Swoosh.
Tingnan ang post na ito sa Instagram