Samsung Galaxy Z TriFold: Bagong 10-Inch AMOLED Foldable Na Parang Tablet
Ang triple-panel na flagship ng Samsung ay bumubukas bilang parang tablet na display, pinagsasama ang Galaxy AI tools, DeX, at 200MP camera sa isang napakalupit na foldable.
Pangkalahatang Pagsilip
- Sa wakas, ginawang opisyal na ng Samsung ang matagal nang pinag-uusapangGalaxy Z TriFold—isang dual-hinge, triple-panel na device na bumubukas tungo sa 10-inch na Dynamic AMOLED 2X na canvas, pero kaya pa ring tikluping maging isang sleek na 6.5-inch na smartphone na kasya sa bulsa.
- Todo-push ang TriFold sa ultra-thin, ultra-premium na build. May kapal lang itong 3.9 mm sa pinakamapayat na bahagi kapag bukas, may titanium hinge housing at Advanced Armor Aluminum frame, at hinahati ang malaking 5,600 mAh na three-cell battery sa tatlong panel para sa balanseng bigat at power na sasapat mula umaga hanggang gabi.
- Ipinoposisyon ito ng Samsung bilang foldable ng AI at productivity era. Ibig sabihin, may customized na Snapdragon 8 Elite for Galaxy, 16GB RAM, hanggang 1TB na storage, at software stack na idinisenyo para sa triple-app multitasking, standalone na Samsung DeX, at Galaxy AI tools tulad ng Photo Assist, Generative Edit at Gemini Live.
- Sa display side, umaasta ang 10-inch inner screen na parang tatlong 6.5-inch na phone na magkakatabi, kaya may sapat na espasyo para sa full-sized apps, desktop-style na layouts at cinematic na viewing. Ang cover screen naman ay ka-vibe ng Galaxy Z Fold 7, na may 6.5-inch FHD+ panel, 120Hz refresh rate at 2,600 nits peak brightness.
- Flagship-level pa rin ang camera hardware: 200MP main sensor na may OIS, 12MP ultrawide, 10MP 3x telephoto at dual 10MP selfie cameras. Kasing agresibo rin ang engineering ni Samsung, may reworked na Armor FlexHinge, shock-absorbing na display layer at200,000-cycle na fold testingpara maramdaman na ang first-gen tri-fold ay hindi na parang prototype, kundi isang flex-ready na daily driver.
- Walang pag-aalinlangan sa ultra-premium na pricing. Sa Korea, pumapalo ang Galaxy Z TriFold sa humigit-kumulang KRW 3,590,400 (mga $2,500), na may staggered na rollout simula Disyembre 12 sa Korea bago sumunod ang China, Taiwan, Singapore, UAE, at sa huli ang US pagsapit ng early 2026.

















