'Hitman' Players Maaari Nang Tugisin ang Alter Ego ni Eminem na si Slim Shady
Available na ngayon sa ‘World of Assassination’, kasabay ng opisyal na kumpirmasyon ng ‘Hitman 4.’
Buod
- Isang target mission na available lang sa limitadong panahon, ang “Eminem vs. Slim Shady,” ay maaari nang laruin sa Hitman: World of Assassination
- Kinuha ni Eminem si Agent 47 para tuluyang burahin ang kanyang alter ego na si Slim Shady bago sumapit ang Disyembre 31.
- Kinumpirma rin ng IO Interactive na may nakaayos nang mga plano para sa Hitman 4
Isang bagong exclusive target mission, ang “Eminem vs. Slim Shady,” ay maaari nang laruin sa Hitman: World of Assassination. Bukod pa rito, kinumpirma ng IO Interactive na may mga plano para sa isang bagong installment, Hitman 4.
Sa limited-time collaborative mission na ito, tampok ang rap icon na si Eminem, na pumapasok sa World of Assassination bilang siya mismo at ang alter ego niyang si Slim Shady. Matapos subukang ilibing ang kanyang other self sa kantang “The Death of Slim Shady,” ngayon ay kinukuha ni Eminem si Agent 47 para tuluyang burahin ang kanyang nakaraan. Kasabay ng mission ang isang bagong DLC pack na may Eminem-themed cosmetic items gaya ng MC Fit at Jar of Mom’s Spaghetti Sauce.
Kasabay ng balita tungkol sa collaboration ang kumpirmasyon tungkol sa Hitman 4 mula mismo kay IO Interactive CEO Hakan Abrak. Ayon kay Abrak, “Siyempre magkakaroon pa ng mas maraming Hitman… Pero sa ngayon, kailangan muna nating makatawid sa taon na ito at sa susunod na taon makakakuha kayo ng mas maraming balita tungkol sa Hitman co-op, dahil sa tingin ko ang co-op ay isang napakagandang ekstensyon ng universe, at magpapakilala ng mga kakaibang mekanika at kombinasyon sa World of Assassination. Pagkatapos niyon, pag-uusapan na namin ang susunod na Hitman — dahil, siyempre, magkakaroon pa ng kasunod na Hitman.”
Ang “Eminem vs. Slim Shady” exclusive target mission ay malalaro mula ngayon hanggang Disyembre 31. Habang ini-enjoy ang bagong content, may aabangan pang mas maraming detalye ang mga fans tungkol sa Hitman 4 sa hinaharap.















