TAG Heuer Inilunsad ang Monaco Split-Seconds Chronograph Air 1 sa Dubai Watch Week
Isang aerospace-grade titanium case ang nagpapakita ng matitinding detalye at porma na dati’y imposibleng gawin sa tradisyunal na watchmaking.
Buod
- Inilunsad ng TAG Heuer ang Monaco Split-Seconds Chronograph Air 1 sa Dubai Watch Week
- Ang ultra-magaan na titanium case ay nilikha gamit ang Selective Laser Melting (SLM) at pinapagana ng Calibre TH81-00 rattrapante movement
- Available pagsapit ng Disyembre, limitado sa 30 piraso
Inilunsad ng TAG Heuer ang Monaco Split-Seconds Chronograph Air 1 limited edition sa Dubai Watch Week 2025. Isa ito sa pinaka-komplikadong likha ng brand hanggang ngayon, nakaugat sa motorsport DNA nito at ginagaya ang aerodynamic na linya ng mga hypercar sa pamamagitan ng ultra-magagaan na Grade-5 titanium case. Gawa ito gamit ang Selective Laser Melting (SLM), isang advanced additive manufacturing technique na inangkop ng innovation department ng brand, na nagbibigay-daan sa napakadetalyadong geometries na dati’y imposibleng gawin sa tradisyunal na watchmaking, at nagreresulta sa isang sculptural form na wari’y hinollow out para sa bilis at mas mahusay na airflow.
Pinagsasama ng 41mm case design ang mahigpit na linya at matipuno nitong mga gilid sa isang twin-layered honeycomb mesh na inspirasyon ng mga takip ng makina ng mga hypercar. Pinalalakas pa ng contrast ng mga materyales ang visual impact: ang mga titanium lattice ang bumabalangkas sa movement, habang ang mga laser-cut na solid 2N yellow gold detail ay nagdaragdag ng mamahalin ngunit high-tech na dimensyon.
Pinalalakas ng black DLC-coated titanium bezel ang matapang at assertive na profile, habang ang sapphire crystals sa magkabilang panig ay ibinubunyag ang masalimuot na mekanismo sa loob. Ang ginintuang chronograph hands, markers, at split-seconds pusher sa 9 o’clock—gawang yellow gold bilang pagpupugay sa orihinal na Monaco crown—ang kumukumpleto sa matapang na estetika. Sa kabila ng pagiging napaka-komplikado nito, tumitimbang lang ang relo ng 85 gramo, na nagbibigay ng pambihirang weight-to-performance ratio.
Sa pinakasentro nito, pinapagana ang Monaco Split-Seconds Chronograph Air 1 ng Calibre TH81-00, isang high-frequency automatic movement na binuo sa pakikipagtulungan sa Vaucher Manufacture Fleurier. May tibok na 36,000 vibrations per hour at 65-hour power reserve, ang movement ay halos gawa sa titanium, para sa magaan ngunit matibay na konstruksyon. Ang rattrapante function nito ay nagbibigay-daan sa eksaktong pagtatala ng magkakasabay na kaganapan, tulad ng lap comparisons sa Formula 1 racing. Pinino nang mano-mano at pinalamutian ng signature checkered flag motif ng TAG Heuer, lalo nitong pinatitibay ang pangako ng brand sa performance at design innovation.
Limitado lamang sa 30 numbered pieces, ang Monaco Split-Seconds Chronograph Air 1 ay magiging available sa pamamagitan ng TAG Heuerpagsapit ng Disyembre, na may retail price na 150,000 CHF (humigit-kumulang $187,110 USD).















