The Crossover: Kung Saan Lumalabas ang Golf Lampas sa Fairway
Isang seryeng sumusubaybay kung paano nagtatagpo ang golf at iba pang mundo.
Ang kultural na pagbabagong nagaganap sa golf ay hindi biglaan, kundi unti-unting umuusbong sa pamamagitan ng sunod-sunod na maliliit pero sinadyang crossovers. Ang isport na dati’y mahigpit na itinatakda ng tradisyon, ngayon ay mas hinuhubog na ng mga mundong nakapaligid dito. Ang basketball hindi na lang nasa court, ang football hindi na lang nasa pitch at ang hospitality hindi na lang tungkol sa serbisyo. Ang golf, sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, ay talagang nagbubukas na sa lahat ng ‘yan.
Hindi ito simpleng tungkol sa pagre-rebrand na “cool” ang golf. Ang punto ay kilalanin na ang mga taong humuhubog sa kultura ay matagal nang nakakaabot sa laro, kahit hindi palagi sa mga tradisyonal na daan papasok dito.
Jordan Brand na nakipag-partner sa LA golf community na Swang.
Ang partnership ni Jordan sa Swangay hindi lang tungkol sa simpleng pagpasok sa golf, kundi sa matalinong pagpili kung saan ito dapat lumitaw. Mas malapit ang Swang sa street culture kaysa sa tradisyonal na golf, binuo sa mga casual na mga meetup, musika at pagtanggi sa nakasanayang mga panuntunan ng isport. Ito’y tungkol sa totoong “we see you” na pag-abot ni Jordan sa mga taong binabago na mismo ang laro. Ang tunay na pagbabago: nanggagaling na ang momentum ng golf mula sa mas maliliit pero kultural na naka-ugat na mga komunidad.
Ni-renew ng New York Knicks ang collaboration nila with Malbon.
Ang Knicks x Malbon collab ang pinaka-klarong senyales na nilalamon na ng “lifestyle” ang golf. Kapag kaya mong isuot ang Knicks-branded hoodie o varsity jacket sa muni at diretso na sa game sa Garden, hindi na nakakulong ang isport sa sarili nitong mundo. Nagiging isa na lang itong panibagong layer ng paraan mo magdamit. Hindi mo kailangang marunong tumira ng draw para makisabay; nasa vibe ang hatak, at walang hinihinging handicap.
Inanunsyo ng Rao’s ang summer residency nito sa St Andrews hotel ng Marine & Lawn.
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Ang pagdadala sa Rao’s sa Rusacks St Andrews ay hindi inaasahan, pero malakas ang sinasabi nito tungkol sa direksyong tinatahak ng golf. Ang pagpares ng isang kasing-ugat ng St Andrews sa isang lugar tulad ng Rao’s ay inililipat ang “prestige” mula sa purong kasaysayan tungo sa mas buhay, mas urban na pakiramdam. Hindi na lang tungkol sa paglaro ng 18 holes sa hangin ang biyahe, kundi sa lahat ng nakapalibot dito: ang pagkain, ang crowd, ang energy pagkatapos ng round. Golf pa rin ang dahilan ng punta mo, pero hindi na iyon ang nag-iisang highlight ng itinerary.
Naglabas ang adidas Golf ng golf range kasama ang Premier League clubs na Arsenal at Aston Villa.
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Ang pagdadala ng adidas sa Premier League clubs tulad ng Arsenal at Aston Villa sa fairway ay parang matagal nang nakatakda. Kapag nakita mo ang mga club colors na ‘yon sa isang golf polo, biglang hindi na mukhang eksklusibong private club ang laro—para na lang itong jersey na matagal mo nang meron. Kahit hindi mo siya gamitin pang-golf, isusuot mo pa rin, at sapat na ‘yon para hilahin ang golf palapit sa araw-araw na kultura.



















