Isinabuhay ni Colm Dillane ang “The Boy Who Jumped The Moon” — As in Totoong‑Totoo
“Matagal ko nang gustong gumawa ng children’s book. Parang gano’n ito—pero naglalakad ang mga pahina,” pagbabahagi ni Dillane tungkol sa mala-storybook na Spring/Summer 2026 campaign na kinunan ni Sebastian Boon.
Walang dudang kabisado ni Colm Dillane ang immersive na storytelling. Ang malawak (at patuloy pang lumalawak) niyang malikhaing mundo ang nagsisilbing nag-uugnay na hibla sa lahat ng kanyang KidSuper collections, ang sinulid na idinudugtong ang bawat seasonal na pag-eeksperimento at bawat kolaborasyon sa mga nauna rito. Sa bawat proyektong artistiko, nilalapitan niya ito na may katumpakan ng isang pintor at mata sa kuwento ng isang batikang awtor, kaya ang KidSuper Spring/Summer 2026 collection ni Dillane ay nagiging isang kahali-halinang buod ng lahat ng kasanayang dala niya—isinakatawan sa isang visual campaign na marahil na ito na ang pinaka-kaakit-akit at pinaka-mengganyong ginawa niya hanggang ngayon.
Ang koleksiyong ito ay binansagang The Boy Who Jumped The Moon, at unang ipinarada ito sa runway ng Paris Fashion Week noong Hulyo 2025. Pero ngayon, hindi na lang basta rumarampa ang mga damit at accessories sa runway; tampok na sila laban sa isang dramatic na backdrop ng limang hand-painted na mundo sa Amsterdam.
Pinintahan mula sahig hanggang kisame ni Niels Egidius, idinirek ni Shay Latukolan, at kinunan ni Sebastian Boon, ang campaign visuals ng The Boy Who Jumped The Moon ay bunga ng isang matinding collaborative na proseso na nabuo sa loob lamang ng ilang linggo.
Isang personal na mithiin ni Dillane ang naging gabay ng kabuuang creative vision. Isa sa pinakamalalaking pangarap ng designer ay ang gumawa ng sarili niyang children’s book, at eksaktong konseptong iyon ang pinaghugutan niya para sa bagong visual na direksiyon.
“Matagal ko nang pangarap gumawa ng children’s book. Para na rin itong gano’n—ang kaibahan lang, naglalakad ang mga pahina,” paliwanag ni Dillane. Nakalatag nang buo ang kuwento sa release.
Noong minsan, may isang batang nangarap nang mas malaki kaysa sa kahit sino sa paligid niya. Naniniwala siyang maaabot niya ang buwan—kaya sinubukan niya. Bumuo siya ng mga kakaibang makina mula sa mga lobo, saranggola, at lumang makina. Karamihan doon, pumalpak. Pero sa bawat pagtatangka, mas napapalapit siya. Hanggang sa dumating ang araw na halos buong siyudad na ang tumulong sa kanya buuin ang makinang matagal na niyang pinapangarap. At isang araw, laban sa lahat ng balakid, tumalon ang bata papunta sa buwan. Narating niya ito. At sa kung anong himala, nakabalik pa siya sa kanilang tahanan. Pagkatapos noon, may nagbago. Kumalat ang balita sa buong siyudad. Ang dati’y imposibleng ginawa niya ay may kung anong sinindihan sa puso ng mga tao sa paligid niya. Kung kayang mag-imagine ng isang bata ng ganito kalaki, marahil hindi nga ito imposibleng mangyari. Inspirado ng bata, nagsimula ring sumubok ang iba—bawat isa sa sarili nilang kakaiba, partikular, at lubos na makataong paraan.
Pagdating naman sa mga karakter na bida sa kuwentong ito, buo at malinaw na rin ang pagkakahubog ng designer sa kanila. Naroon si Debbie, ang Self-Appointed Scientist, na naniniwalang kayang sukatin at ulitin ang pagtalon papunta sa buwan, armado ng kanyang subok at pinagkakatiwalaang scientific tools at hindi matinag na katigasan ng ulo. Si Giselle, the Painter, ay nagsisimulang magpinta ng mga hagdang paakyat sa kalangitan matapos niyang masaksihan ang pagtalon ng bata sa buwan, habang si Marlotte, the Persistent Woman, ay nagpapatakbo ng isang istrikto at disiplinadong programa para maabot ang buwan sa sarili niyang kakayahan.
Si Robert, the Rocket Guy, ay laging may nakataling rocket sa likod, at si Larry, the Pigeon Man, ay, kung tutuusin, ginugugol halos lahat ng oras niya kasama ang mga kalapati. Si Shay ang Dreamer ng grupo, si Max ang Delivery Guy, at sina Maya at Jacob ang Lovers.
Bukod sa iisang pagka-obsessed nila sa buwan, ano pa ba ang tunay na nagbubuklod sa kanila? Ang natural nilang hilig—at effortless na galing—sa pagdala ng KidSuper Spring/Summer 2026 range.
Kilalanin ang lahat ng siyam na karakter sa buong The Boy Who Jumped The Moon campaign sa itaas.



















