Buod
- Naglabas si Bad Bunny ng limitadong edisyon ng “Sapo Concho” blind boxes bilang pagdiriwang ng kanyang DeBí TiRAR MÁS FOToSresidency
- Ang mga collectible na laruan ay isang pagpupugay sa frog mascot ng kanyang album at sa Puerto Rico
- Sa ngayon, sold-out na ang pre-orders, at sabik ang fans sa general release
Sa isang biglaang drop na ikinabaliw ng mga tagahanga, inilabas ng global superstar na si Bad Bunny ang isang bagong limited-edition na set ng laruan na inspired ng kaniyang album mascot. Ang Sapo Concho Blind Boxes ay masayang saludo sa frog character na tampok sa kanyang pinakabagong album, DeBí TiRAR MÁS FOToS, at ginawa bilang collectible para sa kaniyang pinaka-loyal na tagasunod.
Isang fresh na take sa music merch ang mga blind box na kasalukuyang pinapainit ng hype nina Labubu at Pop Mart. Sa loob ng bawat kahon ay may stylized na figurine ng iconic na frog mascot sa iba’t ibang pose at outfit—ang ilan ay ultra-rare. Tiyak na kuha ng disenyo ang natatanging estetika ni Bad Bunny, dahil bawat palaka ay nakasuot ng signature look mula sa kanyang music videos o album art. Karamihan ay may temang Puerto Rico, tampok ang bandila, o subtle na patikim sa kanyang DTMF album bilang pagpupugay sa kanyang hometown residency. Ang surprise factor ng blind box ang dagdag kilig sa collectible at ginagawang exciting na treasure hunt para sa fans ang paghahanap sa pinakarereng figurine.
May pitong iba’t ibang karakter ang Sapo Concho Blind Boxes at ibebenta online sa halagang $35 USD bawat isa. Sold-out na ang unang pre-order run, pero magbubukas ang general release very soon—limited din ito—at wala nang balak mag-restock kapag maubos ang unang batch.



