Scarlett Johansson, Umano’y Papasok sa Cast ng ‘The Batman Part II’
Nakatakdang ipalabas ang sequel sa mga sinehan sa Oktubre 2027.
Buod
- Malapit na umanong sumali si Scarlett Johansson sa cast ng The Batman Part II ni Matt Reeves para sa isang bagong papel na hindi pa ibinubunyag.
- Usap-usapan na gaganap siya bilang bagong love interest ni Bruce Wayne, habang sinasabing hindi na babalik si Zoë Kravitz bilang Catwoman.
- Ilang ulit nang naantala ang premiere ng pelikula at kasalukuyang naka-iskedyul ito sa October 1, 2027.
Ipinagpapalit na raw ni Scarlett Johansson ang Marvel Cinematic Universe para sa Gotham City, dahil malapit na umano siyang sumali sa cast ng pelikula ni Matt Reeves naThe Batman Part II.
Nexus Point News ang nag-ulat na posibleng gumanap ang aktres bilang bagong love interest ni Bruce Wayne (Robert Pattinson). Mananatiling lihim ang karamihan sa mga detalye sa ngayon, pero puwedeng bigyang-buhay ni Johansson sina Andrea Beaumont/The Phantasm, Pamela Isley/Poison Ivy, Vicki Vale o Julie Madison.
Sinasabing hindi na babalik si Zoë Kravitz bilang Catwoman; umalis na kasi sa Gotham ang karakter niyang si Selina Kyle sa dulo ngThe Batman.
The Batman Part II ay unang inianunsyo noong April 2022 at noong una’y nakatakdang ipalabas sa October 2025. Naantala ito ng isang taon patungong 2026, at naurong pang muli ng isa pang taon sa October 1, 2027.
Abangan pa ang susunod pang mga detalye.

















