Pantone Color of the Year 2026 ay Puting ‘Cloud Dancer’ — Pero Hindi Basta-Bastang Puti
Ang warm off-white na “Cloud Dancer” ay sumasalamin sa pananabik sa katahimikan at sa unti-unting paglalaho ng makukulay na tono sa modernong buhay.
Ang Pantone, ang nangungunang pangalan sa kulay na kinikilala sa iba’t ibang industriya, ay nagtatakda na ng Color of the Year mula pa noong 1999, pumipili taon-taon ng isang kulay na sumasalamin sa direksiyon ng product design at sa mas malawak na kolektibong damdamin ng kultura.
Para sa 2026, ang napiling kulay na “Cloud Dancer” (PANTONE 11-4201) ay isang malambot at mainit na off-white — isipin ang oat milk, raw o hindi-tinina na cotton, o vanilla ice cream. Mas banayad ito sa mata kaysa purong puti, pero mas maraming mapagagamitan bilang neutral kumpara sa butter yellow. Mula sa off-white outerwear ng Palace para sa Winter ‘25 hanggang sa monochrome footwear collection ng MM6 Maison Margiela x Dr. Martens, tahimik pero tuloy-tuloy nang umuusbong ang kulay na ito sa fashion zeitgeist buong taon.
Lagaan na nating nakikita ang kulay na ito kahit saan, kahit banayad at understated ang presensiya nito. Kung dati, ang mga kulay ng Pantone noong 2000s–2010s ay nakatuon sa saturated brights at pastels, ang mga pinili nila nitong mga huling taon ay mas tahimik at toned-down. Noong 2021, dalawang kulay ang pinili ng Pantone, at isa rito ang Ultimate Gray. Sumunod, ang Peach Fuzz ng 2024 ay isang warm na pink na halos neutral, at ang Mocha Mousse ng 2025 ay — sa pinakasimple — isang mapusyaw na kayumanggi.
Gayunpaman, hindi 2026 ang unang beses na isang kulay na halos puti ang naging Pantone Color of the Year. Eksaktong 20 taon na ang nakalipas, ang Color of the Year noong 2006 ay Sand Dollar, isang kahawig pero mas madilim na shade na mas malapit sa beige. Ang kulay na iyon ang pinaka-malapit sa puti sa lahat ng napili ng Pantone hanggang sa pagdating ng Cloud Dancer ng 2026. Pero bakit nga ba parami nang parami ang mga neutral sa listahan ng Pantone Colors of the Year? Medyo komplikado ang sagot.
Inilarawan ng Pantone ang Cloud Dancer bilang “a conscious statement of simplification.” Ang mood ng pagiging simple at discreet na pagpapahayag ay sakto sa panahon ngayon, habang unti-unting lumalayo ang fashion mula sa maximalism at logomania papunta sa mas streamlined na paraan ng pagbibihis. Maaari ring basahin ang kulay bilang bunga ng alon ng “quiet luxury” na umarangkada sa fashion noong 2020s — isang trend na nagpasikat sa tonal, monochromatic dressing at muling nagpausbong sa pananabik para sa lahat ng itinuturing na “classic.” Isang bagong henerasyon ng 21st-century luxury brands tulad ng The Row, Lemaire, Jacquemus, at Auralee ang nakaayon sa ganitong malinis at modernong estetika, na umiiwas sa lantad na karangyaan kapalit ng mas mapagkumbabang refinement.
Sa mas malawak na pananaw, may ilan na nagsasabing unti-unting naglalaho ang kulay sa mundo. Isang graph noong 2020, batay sa pagsusuri mula sa London’s Science Museum Group ang muling lumutang ngayong taon, na nagpakita ng nakakagulat na biswal na representasyon ng unti-unting pagliit ng bilang ng mga kulay sa mga bagay sa nakalipas na 200 taon. Sa mga salita nila, “mukhang naging mas mapusyaw at mas grey ang mga bagay sa paglipas ng panahon.”
Sa mundong pinapatakbo ng mass manufacturing, mas praktikal na gumawa ng kakaunti ngunit mas neutral na colorways. Bukod sa mas madaling ibenta ang neutrals sa mas malawak na merkado, tinatanggal din nila ang analysis paralysis ng mga mamimili. Sa nakalipas na 25 taon, sumabog ang dami ng pagpipilian dahil sa e-commerce platforms na parang walang katapusang nag-aalok ng options.
Ngunit lampas sa praktikalidad, malaki rin ang epekto ng mas personal at kultural na mga salik sa pagkahumaling natin ngayon sa mga neutral. Kung i-zoom in natin ang kultura sa dulo ng 2025, may malinaw na paghila tungo sa katahimikan at naturalism — mga katangiang lalong nagiging mailap habang umuusad ang modernong panahon. Dahil sa magaan at organic nitong aura, nagsisilbing panlaban sa ingay ang Cloud Dancer, isang palette cleanser sa gitna ng rumaragasang mga distraksiyon.













