Lahat ng Papasok at Mawawala sa Netflix ngayong Enero 2026
Pinangungunahan ng pagdating ng ‘Bridgerton: Season 4 Part 1.’
Buod
- Ang lineup ng Netflix para Enero 2026 ay pinangungunahan ng premiere ng Bridgerton: Season 4 Part 1 sa Enero 29, na magtutuon sa kuwento ni Benedict Bridgerton
- Kabilang sa mga pangunahing bagong titulo ang mystery series na Agatha Christie’s Seven Dials (Ene. 15), ang film adaptation na People We Meet on Vacation (Ene. 9), at mga bagong comedy special mula kina Marcello Hernández (Ene. 7) at Mike Epps (Ene. 27)
- Mawawalan naman ng access ang subscribers sa ilang malalaking titulo sa loob ng buwan, kabilang ang buong The Hangover trilogy, pati lahat ng season ng Lost at Prison Break, at ang seryeng Mr. Robot
Habang mabilis nang natatapos ang Disyembre, nakatutok na ang Netflix sa bagong taon gamit ang isang sariwang lineup ng mga programa para sa Enero 2026.
Pangungunahan ang listahan sa susunod na buwan ng mga premiere ng Bridgerton: Season 4 Part 1 at Agatha Christie’s Seven Dials at ng standup special ni Marcello Hernández na pinamagatang American Boy. Samantala, Enero na ang huling buwan para mapanood ng subscribers ang mga titulong gaya ng The Hangover trilogy, Don’t Worry Darling, Lost, Mr. Robot at Prison Break.
Silipin ang kumpletong listahan sa ibaba.
Darating sa Netflix
Paparating Pa
Free Bert — NETFLIX SERIES
Isang nakakaaliw na magulong ama at ang kapwa walang-prenong pamilya niya ang nagdadala ng kaguluhan habang pilit silang umaakma sa mga snob na pamilya sa kanilang bonggang bagong eskuwelahan.Take That (GB) — NETFLIX DOCUMENTARY
Gamit ang mga archival footage na hindi pa kailanman naipalabas, sinusundan ng dokumentaryong ito ang pagsikat, pagbagsak, at rekord-breaking na reunion ng isa sa pinaka-iconic na boy band ng UK.Undercover Miss Hong (KR) — NETFLIX SERIES
Avail. 1/1/26
Dr. Seuss’s Red Fish, Blue Fish: Season 2 — NETFLIX FAMILY
Taas, baba… nawawala, natatagpuan! Mapa-pagpapalipad man ng saranggola o paghahanap ng nakatagong kayamanan, kailanman ay hindi boring ang mga ocean adventure nina Red at Blue.Love from 9 to 5 (MX) — NETFLIX SERIES
Isang masipag na empleyado at ang karismatikong anak ng boss ang naglalaban para sa CEO position sa isang malaking underwear company, pero nakaambang guluhin ng romansa ang kanilang mga plano.My Korean Boyfriend (BR) — NETFLIX SERIES
Limang Brazilian na babae, bawat isa’y nasa iba’t ibang yugto ng buhay at pag-ibig, ang bumibiyahe papuntang South Korea para makilala nang harapan ang kanilang mga crush sa K-drama-inspired na reality show na ito.Run Away (GB) — NETFLIX SERIES
Sina James Nesbitt at Ruth Jones ang bida sa paikot-ikot na adaptation na ito ng bestseller ni Harlan Coben tungkol sa isang amang desperadong hinahanap ang kanyang runaway na anak na babae.Time Flies (AR) — NETFLIX SERIES
Kakapalaya lang sa kulungan at kapos sa oportunidad, dalawang babae ang nagtatayo ng fumigation business — hanggang sa isang kahina-hinalang kliyente ang humila pabalik sa buhay na pilit na nilang tinatakasan.12 Years a Slave
30 Minutes or Less
Becky
Brüno
Colombiana
Conan the Destroyer
Dawn of the Dead
Despicable Me
Despicable Me 2
District 9
Dune
Erin Brockovich
Falling Skies: Seasons 1-5
Forever My Girl
Free Solo
Ghostbusters: Answer the Call
Green Room
Harry and the Hendersons
Hellboy
Johnny Mnemonic
Just Go With It
Lone Survivor
Man on Fire
Monty Python’s The Meaning of Life
My Girl
Only the Brave
Pitch Perfect
Priscilla
Twins
Wild ThingsAvail. 1/2/26
Found: Seasons 1-2Land of Sin (SE) — NETFLIX SERIES
Kapag may nawawalang teenager, isang detective na personal ang koneksiyon sa kaso ang sumasama sa tensiyonadong imbestigasyon na maglalantad ng matitinding katapatan at mga lumang alitang pampamilya.Avail. 1/3/26
The Following: Seasons 1-3Avail. 1/5/26
Monday Night Raw: 2026 — NETFLIX LIVE EVENT (lingguhang event)
Ang groundbreaking, Superstar-studded in-ring series ng WWE ay naghahatid ng live action, drama, at walang kapantay na athleticism kada linggo.Avail. 1/6/26
Pokémon Horizons: Season 3 – Rising Hope Part 1 (JP) — NETFLIX FAMILY
Isang taon matapos ang mga pangyayari sa Laqua, sina Liko at Roy — kasama sina Dot at Ult — ay nag-iimbestiga sa misteryosong pink na ulap na nakapipinsala sa mga Pokémon sa iba’t ibang rehiyon.Avail. 1/7/26
11.22.63: Season 1Marcello Hernández: American Boy — NETFLIX COMEDY SPECIAL
Sa kanyang debut Netflix special, ibinabahagi ni SNL’s Marcello Hernández ang kanyang Latino roots — mula sa nakawiwindang na family dance-offs hanggang sa mga di-malilimutang life lesson ng kanyang ina.Unlocked: A Jail Experiment: Season 2 — NETFLIX SERIES
Sa isang correctional facility sa Arizona, naglulunsad ang isang sheriff ng matapang na eksperimento para bigyan ng mas malaking boses at kontrol ang mga bilanggo sa eye-opening na reality series na ito.Avail. 1/8/26
HIS & HERS — NETFLIX SERIES
Dalawang hiwalay na mag-asawa — ang isa’y pulis, ang isa nama’y news reporter — ang nag-uunahang resolbahin ang isang kaso ng pagpatay kung saan pareho nilang iniisip na ang isa’t isa ang pangunahing suspek.Love Is Blind: Germany: Season 2 (DE) — NETFLIX SERIES
Isang bagong batch ng singles ang sumasabak sa ultimate dating experiment: hanapin ang totoong pag-ibig at pangmatagalang commitment nang hindi man lang nakikita ang isa’t isa.Avail. 1/9/26
Alpha Males: Season 4 (ES) — NETFLIX SERIES
Nagpapatuloy ang ligalig ng pagiging “alpha male” habang hinaharap ng apat na magkaibigan ang pagiging ama, pananampalataya, at AI lovers — kasabay ng paghahanap ng man cave na walang limitasyon.People We Meet on Vacation — NETFLIX FILM
Si Poppy ay isang free spirit, si Alex naman ay laging may plano. Pagkalipas ng maraming taong magkasamang summer vacation, napapaisip ang magkaibigang magkaibang-magkaiba kung sila na nga ba ang perpektong romantikong pares.Prodigal Son: Seasons 1-2
Stone Cold Fox
The Threesome
Avail. 1/12/26
Monday Night Raw: 2026 — NETFLIX LIVE EVENT (lingguhang event)
Ang groundbreaking, Superstar-studded in-ring series ng WWE ay naghahatid ng live action, drama, at walang kapantay na athleticism kada linggo.Avail. 1/13/26
The Boyfriend: Season 2 (JP) — NETFLIX SERIES
Sa nagyeyelong Hokkaido, umuusbong ang mga bagong pagkakaibigan at romansa habang isang bagong grupo ng kalalakihan ang nagna-navigate sa unang pag-ibig, unrequited na crush, at mga damdaming matagal nang nasa freezer.Avail. 1/14/26
The Queen of Flow: Season 3 (CO)
Pag-ibig, musika, at lumalaking pamilya ang nagpapanatili kay Yeimy at Charly na abala sa mga taon ng kapayapaan — hanggang sa isang trahedya ang banta na wawasak sa lahat.Veronica Mars: Seasons 1-3
Avail. 1/15/26
Agatha Christie’s Seven Dials (GB) — NETFLIX SERIES
Kapag nauwi sa pagpatay ang isang marangyang country house party, isang matalino at palabirong batang aristokrata ang nagdedesisyong lutasin ang misteryo sa adaptation na ito ng nobela ni Agatha Christie.Bone Lake
Love Through a Prism (JP) — NETFLIX SERIES
Sa London noong early 1900s, isang batang Japanese na babae ang nag-enroll sa isang kilalang art school, at hindi niya inaasahang mauuwi sa romansa ang matinding kompetisyon nila ng isang napakagaling na kaklase.The Upshaws: Part 7 — NETFLIX SERIES
Habang tumatakbo si Regina sa isang posisyon at dumaraan sa matinding pagsubok ang garahe ni Bennie, lagi at lagi pa ring nakakahanap ng paraan ang mga Upshaw para manatiling totoo, maingay, at punô ng pagmamahalan.To Love, To Lose (TR) — NETFLIX SERIES
Isang star-crossed romance ang nagtatakda ng kapalaran ng dalawang pamilya nang ma-in love ang isang babaeng pilit inililigtas ang kanilang family restaurant sa bugnuting tagapagmana ng isang debt collector.Avail. 1/16/26
Can This Love Be Translated? (KR) — NETFLIX SERIES
Naliligaw sa salin ang emosyon ng isang celebrity at ng kanyang interpreter habang naglalakbay sila sa mundo para mag-shoot ng isang TV show. Mahahanap kaya ng pag-ibig ang sarili nitong wika?No Tail to Tell (KR) — NETFLIX SERIES
Southland: Seasons 1-5
The Rip — NETFLIX FILM
Matapos madiskubre ang milyun-milyong cash sa isang abandonadong stash house, nagsisimulang mabasag ang tiwala sa loob ng isang team ng Miami cops. At habang nalalaman ng mga nasa labas ang laki ng nakumpiska, nababaligtad ang lahat — kabilang na kung sino nga ba talaga ang maaari nilang pagkatiwalaan.Avail. 1/19/26
Monday Night Raw: 2026 — NETFLIX LIVE EVENT (lingguhang event)
Ang groundbreaking, Superstar-studded in-ring series ng WWE ay naghahatid ng live action, drama, at walang kapantay na athleticism kada linggo.Sandokan: Season 1
Avail. 1/20/26
Just a Dash: Seasons 1-3Rizzoli & Isles: Seasons 1-7
Star Search — NETFLIX LIVE EVENT *NEW DATE*
Mas malalaking talento. Mas matataas na pusta. Boses mo ang mahalaga. Bumabalik nang live ang iconic competition series para sa bagong henerasyon. Nagsisimula na ang search.WWE: Unreal: Season 2 — NETFLIX SPORTS SERIES
Wild na mga plot twist. Larger-than-life na mga personalidad. At sandamakmak na drama. Silipin ang likod ng kamera kasama ang pinakamalalaking Superstar at ang nangyayari sa writer’s room sa paglalakbay papuntang SummerSlam para sa Season 2 ng WWE: Unreal. Kabilang sa mga kalahok sa nalalapit na season sina Seth Rollins, Becky Lynch, Cody Rhodes, Rhea Ripley, Pat McAfee, Jelly Roll, R-Truth, Iyo Sky, Naomi, Chelsea Green, Penta, at Lyra Valkyria.Avail. 1/21/26
Kidnapped: Elizabeth Smart (GB) — NETFLIX DOCUMENTARY
Noong mga unang oras ng Hunyo 5, 2002, dinukot mula sa kanyang silid-tulugan sa Salt Lake City, Utah ang 14-anyos na si Elizabeth Smart, na naging simula ng isa sa pinakamainit at pinakasinusubaybayang kaso ng nawawalang tao sa kasaysayan ng Amerika. Ang Kidnapped: Elizabeth Smart ay isang gripping na documentary feature na dinadala ang mga manonood sa totoong kuwento — isinasalaysay mismo sa mga salita ni Elizabeth at sa pamamagitan ng eksklusibong panayam sa kanyang pamilya, mga imbestigador, at mga taong pinakamalapit sa kaso. Pinaghalo ang archival footage at mga materyal na hindi pa naipapakita, sinusundan ng pelikula ang nakapangingilabot na siyam na buwang pagkabihag ni Elizabeth sa kamay nina Brian David Mitchell at Wanda Barzee. Sinusuri nito ang sikolohikal at emosyonal na pinsala kay Elizabeth at sa kanyang pamilya, ang walang humpay na atensiyon ng media, at ang walang pagod na paghahanap ng komunidad para sa mga kasagutan — na muling nagkukuwento sa hindi matinag na hangaring mabuhay na nagpanatili kay Elizabeth na buhay at matatag ang espiritu, kahit makalipas ang 20 taon. Hindi lamang muling binibisita ng documentary ang mga pangyayaring yumanig sa isang bansa, kundi itinatampok din nito ang paglalakbay ni Elizabeth sa paggaling at ang patuloy niyang misyon na magbigay-inspirasyon at magprotekta sa iba.Avail. 1/22/26
Cosmic Princess Kaguya! (JP) — NETFLIX FILM
Naliligaw sa sariling orbit ang buhay ni Iroha nang tumira sa kanya si Kaguya, isang carefree na runaway mula sa Buwan, at makumbinsi siyang magsama silang mag-perform sa isang virtual na mundo.Finding Her Edge — NETFLIX SERIES
Para mailigtas ang skating rink ng pamilya, nagbabalik sa yelo ang isang dating skater kasama ang bago at exciting na partner, habang hindi pa rin lubusang makabitaw sa damdamin niya para sa dati — ang kanyang first love.Avail. 1/23/26
Skyscraper Live — NETFLIX LIVE EVENT
Susubukan ng world-famous free solo climber na si Alex Honnold na akyatin ang isa sa pinakamataas na skyscraper sa mundo sa isang high-stakes na live event mula Taipei, Taiwan.The Big Fake (IT) — NETFLIX FILM
Isang aspiring artist ang nagiging master forger para sa mga kriminal na sindikatong nakatago sa madilim na ilalim ng Rome noong dekada ’70 sa drama film na ito na hango sa totoong mga pangyayari.Avail. 1/26/26
Monday Night Raw: 2026 — NETFLIX LIVE EVENT (lingguhang event)
Ang groundbreaking, Superstar-studded in-ring series ng WWE ay naghahatid ng live action, drama, at walang kapantay na athleticism kada linggo.My Sesame Street Friends: My Sesame Music
Avail. 1/27/26
Mike Epps: Delusional — NETFLIX COMEDY SPECIAL
Nagbabalik sa entablado si comedy superstar Mike Epps para sa kanyang ikalimang Netflix stand-up special, ang Delusional. Sa kanyang pamatay na charm at matalim na sense of humor, naghahatid si Epps ng bagong set na punô ng malalakas na tawanan at hindi malilimutang sandali, habang inireregalong walang-prenong mga kuwento kung paanong kaunting delusyon at matinding hustle ang nag-angat sa kanya bilang isang bituin.Avail. 1/29/26
Bridgerton: Season 4 Part 1 — NETFLIX SERIES
Sa ikaapat na season ng Bridgerton, nakatuon ang spotlight sa bohemian na pangalawang anak na si Benedict (Luke Thompson). Kahit parehong masaya at may asawa na ang nakatatanda at nakababatang kapatid niya, ayaw pa ring mag-settle ni Benedict — hanggang sa makilala niya ang isang kahali-halinang Lady in Silver sa masquerade ball ng kanyang ina.Mawawala sa Netflix
Mawawala 1/1/26
Agatha Christie’s Crooked House
Aquaman and the Lost Kingdom
Baby Driver
Blue Beetle
Blue Crush
Blue Streak
Captain Phillips
Clear and Present Danger
Coach Carter
Crazy Rich Asians
Death Becomes Her
Dirty Dancing
Doctor Sleep
Don’t Worry Darling
Dreamgirls
Fifty Shades Darker
Fifty Shades Freed
Fifty Shades of Grey
G.I. Joe: Retaliation
G.I. Joe: The Rise of Cobra
Ghost
The Goonies
The Hangover
The Hangover: Part II
The Hangover: Part III
How to Be Single
I Love You, Man
Isn’t It Romantic
Kung Fu Panda
Kung Fu Panda 2
Kung Fu Panda 3
Lara Croft Tomb Raider: The Cradle of Life
Lara Croft: Tomb Raider
Life of the Party
Lost: Seasons 1-6
Mad Max: Fury Road
The Martian
The Mask
Meet Joe Black
Ocean’s 8
Runaway Bride
Scarface
Star Trek
Star Trek Beyond
Star Trek Into Darkness
The Sweetest Thing
Taxi Driver
Training Day
Zero Dark ThirtyMawawala 1/2/26
Dodgeball: A True Underdog StoryMawawala 1/3/26
Mr. Robot: Seasons 1-4Mawawala 1/9/26
Maze Runner: Death Cure
Maze Runner: The Scorch Trials
The Maze RunnerMawawala 1/16/26
Confessions of a ShopaholicMawawala 1/18/26
Donnie DarkoMawawala 1/23/26
House of Lies: Seasons 1-5Mawawala 1/29/26
Prison Break: Seasons 1-5















