Ibinunyag ni A$AP Rocky ang opisyal na petsa ng paglabas ng ‘DON'T BE DUMB’
Ibinahagi rin ng artist ang mga alternative na cover ng album.
Buod
- Kumpirmado na mismo ni A$AP Rocky na ang matagal nang inaabangang album niya naDON’T BE DUMB, ay nakatakdang ilabas sa Enero 16, 2026
- Mapapakinggan ang album sa iba’t ibang format—digital, vinyl LPs, CDs, at cassettes—na may mga alternatibong cover art na inspired ng “Burton-esque” na aesthetic.
- Sumunod ang anunsyong ito sa recent na pag-reveal ni Rocky ng isang short film collaboration kasama si Tim Burton, na inilarawan mismo ng rapper bilang isang malikhaing “masterpiece.”
Matapos ang mahabang paghihintay na binudburan ng teasers at mga pa-cryptic na mensahe, ang album ni A$AP Rocky naDON’T BE DUMBay mayroon na sa wakas na opisyal na release date.
Ilang sandali matapos niyang ihayag ang cover art at ianunsyo ang short film kasama si Tim Burton, inanunsyo rin ni Rocky naDON’T BE DUMBay opisyal na magre-release sa Enero 16, 2026. Darating ang matagal nang pinaghihintay na album sa digital, vinyl LPs, CDs, at cassettes. “THANKS TO EVERY CREATIVE AND MUSICIAN WHO HELPED ME WITH THIS MASTERPIECE,” ang isinulat niya.
Bukod pa rito, ipinakilala rin ng artist ang iba’t ibang alternatibong cover na ka-vibe ng unang anunsyo, kabilang ang vinyl at back vinyl artworks.
Ang album ni A$AP Rocky naDON’T BE DUMBay opisyal na magre-release sa Enero 16, 2026.
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Tingnan ang post na ito sa Instagram














