Opisyal na Silip sa Nike Vomero Plus Low “Doernbecher” mula sa Freestyle 21 Collection
Hango sa pagmamahal sa kalikasan ng 14-anyos na pasyenteng si Molly Bell.
Pangalan: Nike Vomero Plus Low “Doernbecher”
Colorway: Multi-Color
SKU: IO7687-921
MSRP: $165 USD
Petsa ng Paglabas: Spring 2026
Saan Mabibili: Nike
Kasunod ng Air Max Plus, inilabas na rin ng Nike ang opisyal na mga imahe ng Vomero Plus Low “Doernbecher,” na dinisenyo ng 14-anyos na pasyenteng si Molly Bell. Bilang bahagi ng Freestyle 21 collection, nilalaro ng disenyo ng sneaker ang earth tones at floral na detalye, na sumasalamin sa hilig ni Molly sa kalikasan at sa pangarap niyang maging isang field biologist.
Para tumugma sa konsepto, ang silhouette ay may green na mesh upper na binurdahan ng purple na camas flower, isang halamang sagana sa kanyang home state na Oregon. Nagpapatuloy ang nature theme sa animal-inspired na brown graphic sa dila ng sapatos at isa pang camas flower na katabi ng pangalan ni Molly sa mga insole. Makikita rin ang mga bakas ng kuko ng usa sa forefoot na bahagi ng outsole.
Bawat pares ay may kasamang field notes booklet at magnifying glass, na naghihikayat sa mga nagsusuot na mag-explore at magdokumento ng ligaw na kalikasan—gaya ng kinahuhumalingang gawin ni Molly.
Bagama’t hindi pa kumpirmado ang eksaktong petsa ng paglabas, inaasahang ilalabas ang Nike Vomero Plus “Doernbecher” pagsapit ng Spring 2026. Silipin ang opisyal na mga imahe sa itaas.
















