Huling Hirit ng New Era Japan sa Hawkins para sa ‘Stranger Things’ Collab
Tampok ang headwear at apparel na nagbibigay-pugay sa matagal nang tumatakbong serye.
Buod
- Naglunsad ang New Era Japan ng koleksiyon ng headwear at apparel upang ipagdiwang ang huling season ng Stranger Things
- Kabilang sa mga standout na cap ang Camp Know Where trucker cap at isang 59FIFTY silhouette na tampok ang demogorgon sa gilid
- Nagbibigay-pugay ang mga disenyo sa logo ng serye, sa Hawkins High at sa Hellfire Club—available na ngayon sa New Era Japan webstore
Ipinagdiriwang ng New Era Japan ang ikalima at huling season ng kinagigiliwang serye ng Netflix na Stranger Thingssa pamamagitan ng isang bagong collab.
Ang pinakabagong koleksiyon ay nagtatampok ng pinagsamang headwear at apparel. Nangunguna sa drop ang isang pula, puti at asul na 19TWENTY trucker cap na may burdang logo ng serye, kasabay ng isa pang vintage-inspired na dilaw at berdeng cap na nagbibigay-pugay sa kathang-isip na Camp Know Where sa serye. Kasama rin sa collab ang tatlong 59FIFTY silhouette—isa na black-on-black ang disenyo, isa na may dilaw na detalye, at isa pang may detalyadong demogorgon sa side panel.
Kasama rin ang mas simple na 9FORTY na kulay-abong at pulang cap, at mga 9FORTY A-Frame silhouette na may mga disenyo ng Hawkins High School at ng Hellfire Club. Kumukumpleto sa lineup ang isang seleksyon ng apparel, kabilang ang isang long-sleeve na T-shirt at dalawang short-sleeve na T-shirt.
Silipin ang koleksiyon sa itaas. Ang Stranger Things x New Era Japan collab ay available na ngayon sa New Era Japan webstore.



















