Historicong Michael Jordan Game-Worn Air Jordan 1 mula sa iconic na rivalry game, nabili ng higit $205,000 USD
Isinuot sa nagbabagang 1985 Chicago Bulls vs. Detroit Pistons match-up, ang sneakers ay may bihirang “Double-Lacing” at matibay na photo-matched provenance.
Buod
- Naibenta sa napakalaking halagang $205,188 USD sa Grey Flannel Auctions ang isang pares ng game-worn Air Jordan 1 ni Michael Jordan.
- Isinuot ang mga sneakers noong October 26, 1985, sa isang matinding laban kontra Detroit Pistons, at napatunayan ang pagiging authentic ng mga ito sa pamamagitan ng photo-match.
- May bihirang “Double-Lacing” configuration ang sapatos at pirmado pa ni Jordan, na nakuha pa mismo mula sa equipment manager ng Chicago Bulls.
Isang pambihirang pares ng game-worn Air Jordan 1 ni Michael Jordan—na nagmula pa sa mga unang taon ng isa sa pinakamatitinding rivalries sa kasaysayan ng NBA—ang naibenta sa halagang $205,188 USD sa Grey Flannel Auctions. Isinuot ni Jordan ang mga iconic na sneakers na ito noong October 26, 1985, sa ikalawang laro pa lamang ng 1985–86 season—isang laban ng Chicago Bulls kontra Detroit Pistons kung saan tuluyang sumiklab ang tensyon sa loob ng Chicago Stadium.
Naging maalamat ang game matapos ang isang matinding foul kay Jordan mula kay Bill Laimbeer na nagdulot ng bench-clearing incident at humantong sa pagpapatalsik sa parehong head coaches. Sa kabila ng agresibong banggaan sa loob ng court, naghatid si Jordan ng isang dominante at makapangyarihang performance, kumamada ng 33 puntos at sinelyuhan ang 121–118 panalo ng Bulls sa pamamagitan ng isang clutch free throw.
Dagdag pa sa bigat ng cultural impact nito, na-immortalize ang partikular na larong ito sa 1986 Michael Jordan Star Co. #9 Rookie Card. Ang mismong Air Jordan 1s ay maituturing na pang-museo, tampok ang bihirang “Double-Lacing” configuration na may parehong pulang sintas at itim na sintas—isang istilo na sinuot ni Jordan sa piling-piling okasyon lamang. Pinagtitibay ang authenticity ng mga ito sa pamamagitan ng photo-match sa laro noong October 26, 1985, at sa napakahusay na provenance, dahil nakuha ang mga ito nang direkta mula sa Chicago Bulls equipment manager na si John Ligmanowski. Personal na pinirmahan ni Jordan ang loob na bahagi ng sakong bawat sapatos gamit ang itim na tinta.

















