Kinumpirma ni Cristiano Ronaldo: Ang 2026 FIFA World Cup ang Huli Niyang Sasalihan
Target ng bituin ng Portugal ang 1,000 gol sa buong karera bago tuluyang magretiro sa football.
Buod
- Kinumpirma ni Cristiano Ronaldo, 40-anyos, na ang 2026 FIFA World Cup ang magiging huli niya at ibinunyag na plano niyang magretiro sa loob ng “isa o dalawang taon.”
- Ang kasalukuyang manlalaro ng Al-Nassr, na may hawak ng rekord para sa pinakamaraming international goals sa men’s football, ay pursigido ngayong maabot ang markang 1,000 career goals.
Ayon sa CNN, kinumpirma ni Cristiano Ronaldo na ang 2026 FIFA World Cup ay “tiyak” na magiging huli niya.
Ang 40-anyos na football superstar ay planong magretiro sa “isa o dalawang taon” matapos makapagtala ng 953 goals para sa club at bansa sa kanyang 25-taong karera. Kinumpirma rin niya ang mga usap-usapang pagreretiro noong Martes sa isang panayam sa Tourism Summit sa Riyadh.
Si Ronaldo, na kasalukuyang nagsisilbing kapitan ng koponan ng Al-Nassr, ay dating naglaro para sa Manchester United at Real Madrid. Pagsapit ng Oktubre 2025, hawak niya ang world record na 143 goals para sa pambansang koponan ng Portugal at determinado siyang habulin ang markang 1,000 goals bago matapos ang kanyang karera.
Ang draw para sa nalalapit na World Cup ay nakatakdang ganapin sa Kennedy Center sa Washington, DC, sa Disyembre 5, 2025. Ang 2026 FIFA World Cup ang magiging pinakamalaki sa kasaysayan, na may 48-team na torneo, at nakatakdang magsimula sa Hunyo 11, 2026 sa US, Mexico, at Canada.


















